Kabanata 2

14.9K 354 199
                                    

Serenity Hiraya

Puro introduce yourself lang ang ginawa namin the whole week at wala pang proper lesson. Ngayon pa lang kami mag s-start sa unang lessons at mga activities. Kaso, may isang subject na hindi pumasok ang teacher kaya ngayon lang namin siya ma-memeet. Health Optimizing Physical Education or HOPE ang subject na 'yon.

"Good morning, please stand up and lead the prayer." Pagpasok palang ng teacher namin 'yon na agad ang bungad niya.

Sabay-sabay kami tumayo para mag pray. The thing is, walang nag volunteer na mag pray kaya nakataas ang kilay niya sa amin.

"Who's gonna lead the prayer?"

I didn't know need ng prayer leader. Ano kami, elementary?

"Si Steven daw po ma'am, prayer leader!" I heard one of the guys yell.

Natawa ako nang makita kong nanlaki ang mata ni Alvarez habang nakatingin doon sa mga lalaki. Obvious namang inaasar siya ng mga bagong friends niya.

"Gago kayo, baka masunog si Alvarez," my classmate, Lester, joked. Mahina lang ang boses niya pero rinig na rinig namin hanggang sa likod.

"Nagdadasal ka pala Steven?" Pang-aasar nila.

I saw how Alvarez raised his middle finger at him before proceeding in front. Eventually, nakapag pray naman siya nang maayos.

Wow, I thought he's serious and quiet, sa una lang pala.

"Bakit ang sama ng tingin mo kay Alvarez, beh?" Tanong ni Violet sa tabi ko.

"I don't like him," diretsong sagot ko.

"Ay, bakit? Bitter? Mukha siyang matalino, girl. Bagay kayo... ayieee." Tinusok-tusok pa niya ang bewang ko.

"Hindi ko siya type, Vi. Ang type ko ay 'yung mga tahimik at calm. Lalo na kapag nag-gigitara at maganda 'yung boses."

Kahit pa nag-explain na ako sa kanya ay hindi niya pa rin ako tinigilan asarin.

"Remain standing. Aayusin ko ang seating arrangement niyo. Alphabetically arranged."

"Hala! Hindi na tayo magkatabi niyan!" Rinig kong reklamo ni Vi sa sinabi ni ma'am. "Mamimiss agad kita. Huhuhu!" Pag dadrama niya.

"I'm not going anywhere, Vi. Akala mo ba pupunta akong mars?"

She crossed her arms on her chest. "Okay... Hindi ka magcocomplain na hindi tayo magkatabi?"

Umiling ako. Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti nang malaki.

"Ahh, alphabetically arranged nga pala. Kaya pala 'di ka magrereklamo kasi katabi mo si ano. Ikaw ha." Tinusok-tusok niya pa 'yung tagiliran ko.

I didn't get what she meant, not until our teacher started calling our surnames. Alternate na boy and girl pala. Bali, mapag gigitnaan ako ng dalawang lalaki.

Abad | Aguilar | Abalos | Agas | Alvarez | Añasco | Belmonte

Kung minamalas ka nga naman talaga, oh!

Padabog akong umupo sa bago kong pwesto. Sa unahan lang ang tingin ko dahil ayokong tumingin sa dalawang gilid ko.

After maayos ng upuan ay agad na dumiretso si ma'am sa harap. "I need someone who can lead for our election first. I need president hanggang escort. Bababa lang ako sa faculty sandali," she announced before leaving the class.

May dalawang classmate ko ang tumayo sa harap para mag-lead ng nomination

"The nomination for President is now open."

Amidst The Vying PsychesWhere stories live. Discover now