Kabanata 14

11.9K 386 169
                                    

Serenity Hiraya

"Nasimulan niyo na ba concept paper sa EAPP?" Tanong ni Kenneth sa amin pagkalabas ng teacher namin sa English for Academic Purposes Program subject.

"Nasimulan na namin, alam mo naman si sir. Konting finalize na lang tapos ready na kami for defense." Ako na ang sumagot ng tanong niya.

Isang linggo pagkatapos ng quiz bee ay mas lalo yata akong naging busy. Sabay-sabay na nagbigay ng gawain ang mga teacher na akala mo katapusan na ng mundo.

"Tangina, sana all! Sana makaramdam din 'yung iba diyan tapos kumilos na," pasigaw na sagot ni Kenneth na nagpaparinig sa mga kagrupo niya.

Dahil vacant naman sa isang subject, inasikaso ko 'yung pag-check sa concept paper namin. Ako ang nag-eedit ng mga gawa ng kagrupo ko bago ilagay sa final paper namin.

"Raya, okay na 'yung part namin. Paki check nalang." Nagulat ako nang lapitan ako ng isa kong ka-member.

"Ay oo nga, beh. Gusto mo ako nalang mag proofread?" Tanong sa akin ni Violet.

"Hindi, kaya ko na, proofread nalang naman 'yon. Pero kung gusto niyo, pwede naman."

I thought kakayanin kong i-manage ang time ko not until may pinahabol pang assignment sa Politics. Deadline na raw agad sa Friday. Bakit ba sabay-sabay sila magbigay?

"Belated happy birthday pala," bati ng isang kaklase ko bago siya tuluyang umalis sa tabi ko.

I sighed. Sa sobrang dami kong iniisip ay hindi ko nga na-celebrate nang maayos ang birthday ko. Kami-kami lang na magkakaibigan at si dada ang nag-celebrate sa bahay namin.

Ayos lang naman sa akin kasi 17th birthday ko pa lang naman. Hindi pa kailangan ng engrandeng celebration.

Kinagabihan ay inasikaso ko kaagad ang assignment sa Politics at sinimulan 'yung performance task sa MIL. Then, I proofread that one part that almost made me faint. Ang daming errors na hindi ko na binahalang sabihin sa kanila dahil madodoble pa ang trabaho ko. Anong oras na ako natapos kaya nang patayin ko ang laptop ay nakatulog ako kaagad.

When I got to school the next day, most of us were busy. Hindi ko na halos alam kung anong subject 'yung ginagawa nila dahil patong-patong na 'yung gawain.

"Raya! Ito na 'yung paper natin." Inabot sa akin ng ka grupo ko ang printed copy ng concept paper na nakalagay sa ring bind.

"Pakilagay nalang sa table ko, please." Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang binibigay niya sa amin dahil busy akong mag-ayos ng gamit ko dahil may ginagawa pa ako sa ibang subject.

My attention is on my iPad. Ginagawa ko ang visual namin para sa presentation namin bukas. Ang mga ka-group ko naman ang maglalagay ng content pero kailangan ko pang isa-isahin kung saang part sila maglalagay dahil baka magkaroon ng error.

Hindi ko na rin alam ang uunahin ko sa dami ng pinapagawa. It's so stressful to the point that it almost brought me to tears.

Pagdating ng EAPP ay pinapasa lang ni sir sa amin ang chapter one bago kami inutusang mag-practice dahil may meeting daw siya. But, instead of practicing our presentation, we decided to do other activities in order to use our time wisely.

However, the next day, I wished I could turn back time and practice for our presentation. I should've spotted our mistake.

My hands were sweating a bit when it was our turn to present our chapter one. After the first group, I was anxious. Ginisa kasi sila ni sir at ayokong gano'n ang mangyari sa amin... pero alam kong huli na.

"What the fuck..." I muttered when I saw our slides. Panglimang page palang ng presentation ay alam ko nang mapapahiya kami rito sa harap.

Mali ang nalagay nilang content. They used the old draft and not the one that I revised the other night. At sure akong mali rin ang na-print nila.

Amidst The Vying PsychesWhere stories live. Discover now