Kabanata 18

12.7K 421 400
                                    

Serenity Hiraya

What is the right thing to choose between heart and mind? Before, I never believed in the battle between your heart and mind, as I know that all my life, my decisions are always based on both. My love for studying and being an achiever is dictated by my heart and supported by my brain.

However, in my current situation, I don't know what to choose. My mind is reminding me a hundred times that Alvarez will be a distraction from my goal to graduate as a valedictorian while my heart was whispering that I should give him a chance because I like him, too.

"Ang lalim ng iniisip, ah!"

Napabalikwas ako nang marinig ko ang boses ni Violet. May hawak siyang ice cream at pabagsak na umupo sa kama niya.

"Anyare sa'yo?" Tanong niya bago ipinasa sa akin ang kutsara. "Ganda-ganda na ng movie tapos 'di ka nanonood?"

"Nanonood ako!" Depensa ko bago kumain ng ice cream. "May iniisip lang."

Bumalik ang tingin ko sa TV na nasa loob ng kuwarto niya. Nandito ako sa bahay nila Violet dahil dito ako matutulog ngayon. Wala na kasing pasok at five days na lang bago magpasko.

Pwede naman sana sa apartment namin kaso una, hindi niya pa alam na magkasama kami ni Alvarez at pangalawa, ayoko munang makita ang roommate ko.

Nahihiya kasi ako.

Nagpaalam naman ako sa kanya na hindi muna ako uuwi.

"What's the problem, Hiraya Marie?"

I cleared my throat. "Nothing... I'm just thinking about random things."

Lumiit ang mata niya habang pinapanood ang mukha ko bago niya pinagkrus ang kanyang kamay sa tapat ang kanyang dibdib.

"Wala na, hindi mo na ako BFF. Hindi ka na nagku-kwento sa akin."

"No!" Agad na kontra ko. "It's not like that."

"Hindi, wala na... Goodbye BFF bracelet na tayo." Akmang tatanggalin niya na ang suot niyang bracelet nang umangak ako.

"Fine!" Kumuha ako ng malalim na hininga. "H–He... He wanted to court me na," nahihiyang sagot ko.

"Ha?! Sino?!"

Tumikhim ako. "A... A–Alvarez."

Natigilan siya saglit bago tumili nang napakalakas.

"AAAAA! OH MY GO–OH MY GOODNESS! AAAA! Finally! I'm so happy for you!"

Muntik ko nang takpan ang tainga ko dahil sa pagtili niya.

"Shh! Keep quiet! Baka magalit si tita!"

She did cover her mouth but kept on screaming and shouting. Halos tatlong minuto yata siya nagtititili bago siya kumalma.

"What the fuck? Kailan pa? Tangina, ang dami kong na miss!"

I told her every single detail of what happened nung Christmas party. She was preventing herself from yelling every time I mentioned his name.

Pagkatapos kong magkwento ay nakatuon na ulit kami sa pinanonood namin. Naagaw ang atensyon ko nang tumunog ang cellphone ko at nakita kong nag-message siya.

Steven 💗:

Hirang :(

Napangiti ako sa tinawag niya sa akin.

Hiraya:

heyy

what's up?

Amidst The Vying PsychesWhere stories live. Discover now