Kabanata 36

11K 316 364
                                    

Serenity Hiraya

Nawala ako sa pag-iisip nang may dumating na mga bouncer at inawat ang mga nagkakagulo. Dahil doon ay napapasong lumayo sa akin si Steven bago umayos ng tayo.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.

What the hell, Hiraya? Anong iniisip mo?

Ramdam ko ang init ng pisngi ko habang magkasabay kaming naglalakad pabalik sa table kung nasaan sila. Mukhang mas dumami ang nakiki-celebrate ng birthday ni Steven dahil mas nadagdagan ang bilang namin.

May bumati pa sa akin na halos hindi ko nakilala.

"Bespren!" Bati ng isang kalbo sa akin. "Ang ganda mo na lalo, ah!"

I stared at his face. Pilit kong inaalala kung sino siya hanggang sa tawagin siya sa pangalan.

"Anak ng tokwa, Carl! Hindi ka makikilala niyan kasi kalbo ka, par!"

Nanlaki ang mata ko nang makilala ko ang boses nila.

"Carl?" I looked at the man beside him. "MJ!"

"Yown!" Masayang lintaya nila na nag-apir pa. "'Yan ang gusto namin sa'yo, bespren!"

Inabutan nila ako ng isang shot na agad ko namang ininom.

"Award! Bottoms down si ate ko!" Sigaw ni Marcus bago ako inabutan ng chaser.

Bago kami magpatuloy sa inuman ay nagpa-serve muna si Cameron ng dinner. Light lang ang kinain ko dahil nakapag-dinner naman na kami kanina.

"Guys, laro tayo!" Excited na sigaw ni MJ bago kumuha ng isang bote ng cuervo at binigyan kami ng tig-iisang shot glass.

"Ano na naman 'yang naiisip mong kalokohan, kalbo?" Natatawang tanong ni Violet na nakaupo sa kandungan ni Iñigo.

"'No ka ba, maganda 'to! Put your finger down or shot!"

"Daming pauso!" Side comment ni Jas na naka holding hands kay Carl. "Pare-pareho talaga kayong mag totropa, ano?"

Maya-maya lang ang napilit naman kaming lahat ni MJ na sumama. Kasali sa laro 'yung Dynamics at 'yung ibang kaibigan namin nung senior high. Kung sino ang pinakaunang magbaba ng lahat ng daliri ay kailangan mag five seconds sa cuervo. Pwede ka namang umiwas sa tanong at ang kapalit ay ang pag-shot.

Paikot ang pagsabi at si Violet ang mauuna. Umakto pa siyang nag-iisip bago sinabi ang unang scenario.

"Put your finger down kung kalbo ka ngayon," pang-aasar niya.

Sinamaan siya ng tingin nung dalawa na agad nagbaba ng daliri.

Sumunod ay si Carl. "Kala mo, ah. Put a finger down kung nahuli na kayong nag momomol."

Nawala ang ngisi ni Violet bago sabay sila ni Iñigo na nagbaba ng daliri. Nahihiyang nagtago siya sa leeg ng nobyo na tumatawa lang din.

"Put a finger down if you already gave someone a hickey," it was Josiah.

Nagulat ako nang magbaba ulit ng daliri ang dalawa.

What the hell? I missed a lot of chika from Vi!

Kasabay nila ay ang dalawa ring couple at si Cameron. Kaming tatlo na lang ni Josiah at Steven ang sampo pa ang nakataas na daliri.

"Eguls tayo sa dalawa, par!" Reklamo ni MJ. "Ayusin niyo naman ang mga tanong niyo!"

"Put a finger down if you already kissed someone on their neck!" Jasmine was laughing when she also put her finger down.

Amidst The Vying PsychesWhere stories live. Discover now