Kabanata 7

11.8K 378 171
                                    

Serenity Hiraya

"Guys, alam niyo kung nasaan si Steven?" Malakas na boses ni Jasmine ang kumuha sa atensyon ko nang pumasok siya sa classroom.

May dala siyang juice na nasa karton at hawak ang isang donut. Nakatayo lang siya doon sa may pinto at palinga-linga ang ulo niya na tila hinahanap si Steven sa room.

"Wala, Pres! Umuwi kanina. Bakit?" Si Carl ang sumagot sa kanya.

"May naghahanap e. Cameron daw ng STEM. May practice raw sila," sabi niya bago tuluyang pumasok sa loob.

"Umuwi, eh. Pero baka mamaya nandito na rin 'yon."

Nagsalubong ang kilay ko habang pinapakinggan ang pag-uusap nila. Umuwi si Alvarez? Pwede pala 'yon?

Lumabas ulit si Jasmine para kausapin si Cameron na nakatayo sa labas ng classroom namin. They have a practice today, for what?

As on cue, Violet came running for me from outside, with a big smile on her face. I can hear her giggling from the distance. Paglapit niya sa akin ay niyakap niya ako kaagad.

I raised my brow and stared at her. "Ano meron?"

She was giggling. "Magpeperform daw sila Iñigo mamaya para sa opening ng Buwan ng Wika. Manood tayo, ha?" Niyuyugyog niya pa ang braso ko.

"Wala na ba tayong klase no'n?"

"Wala na!" She exclaimed. "Kaya makakanood tayo, OMG!" Kinikilig na sigaw niya.

"Gusto ko na umuwi agad e," hirit ko.

Sasagot pa sana siya nang lumapit sa harap si Jasmin. "Guys! HUMSS A, attention muna..." Kinatok niya nang mahina ang teacher's table. "Guys, since wala na tayong class mamaya, required daw na bumaba tayo para sa opening ng Buwan ng Wika. May attendance raw 'yon sabi ni sir. Also, we should support Steven kasi band nila 'yung mag peperform later."

I sighed. Wala akong magagawa. I guess I really need to go to the opening program.

"'Yun, oh! Baka idol ko 'yan!" Nag-ingay na agad si MJ sa likod.

"Kaibigan ko 'yun, mga par!" Tumayo si Carl bago hinampas ang dibdib niya nang dalawang beses bago tumuro sa taas.

Sabay kaming natawa ni Vi dahil sa kakulitan nilang dalawa. She walked near them and I followed. Ngayon ay magkakatabi na kami sa kabilang row.

"Ayan na si Vi tsaka si Raya. Backstab-in nga natin," bumulong pa si MJ kay Carl kahit rinig na rinig namin.

"Dito kayo, oh. Tapos backstab-in namin kayo nang nakaharap." Malakas na tumawa 'yung dalawa.

Lagi silang ganyan. They always want to backstab the both of us and making unbelievable issue. Katulad nalang nung isang araw, sabi nilang dalawa manananggal daw si ako pero lengthwise 'yung hati. Tapos, nalaman daw nila na sirena si Vi pero instead of fish tail, ulo raw nito 'yung isda tapos 'yung kalahati paa.

"Kilala mo na 'yung crush ko, bes?" Tanong ni Vi kay Carl.

"Sino doon, par? 'Yung may ulo?"

I laughed with them. Si Vi lang ang masama ang tingin habang kaming tatlo ay tumatawa.

"Of course, 'yung may ulo! Duh!"

"Ano nga pangalan?"

"Mamaya, ituturo ko. Pogi crush ko, Iñigo pangalan," kinikilig na kwento niya.

"Ay, si Iñigo!" Napatakip pa ng bibig si Carl. "Si Iñigo pala crush mo?"

"OMG, kilala mo?" She asked excitedly.

Amidst The Vying PsychesWhere stories live. Discover now