Kabanata 17

11.1K 409 223
                                    

Serenity Hiraya

"Merry Christmas, HUMSS A!" Bungad ni Violet pagkapasok niya sa classroom namin.

Umagang-umaga palang ng December 1 ay ang ingay-ingay niya kaagad.

"Ang ingay ng bibig mo, babae. Pwede bang mag shut the fuck up ka muna?" Sagot ni Marcus sa kanya na umirap pa.

Kanina pa masama ang timpla niya kaya halos lahat yata ng tao ay sinusungitan niya.

"HMP!" Inarte ni Violet bago padabog na umupo sa tabi ko. "Hindi kita bati, Marcus Richard! Mukha kang Alaska boy!"

Natawa ako sa sinabi ni Violet.

Isa kasi sa reason kung bakit badtrip ang kaibigan namin ay dahil hindi niya nagustuhan ang kulay ng buhok niya. Nagpa-blond daw kasi siya ng buhok pero hindi nakuha ang gusto niyang kulay. Parang naging yellowish ang color at sumakto pang kulot ang buhok niya.

"Huwag kang lalapit baka hindi kita matantya," pananakot ni Marcus na tinawanan namin.

I was laughing so hard but it stopped when Alvarez entered our classroom.

I cleared my throat when he glanced at me.

Ever since the camping, I avoided him like a plague.

Hindi naman kasi sa hindi ko nagustuhan ang confession niya. I was really happy about it. Kaso, lumayo ako sa kanya kasi hindi ko naiintindihan ang sarili ko. I don't want to give him mixed signals.

Hindi ko kasi siya pwedeng magustuhan kaya hindi na lang ako aamin.

"Nakabili na kayo ng regalo?" Tanong ni Violet tungkol sa nalalapit naming Christmas party.

"Ang OA, Vi! Hindi pa nga tayo nagbubunutan para sa exchange gift. Paano kapag bumili ka ng regalo tayo hindi pala gusto ng mabubunot mo?" Singit ni Cassandra.

Umirap naman 'yung isa. "Unless bibili ka ng unan or mug, hindi talaga magugustuhan 'yon."

"Kapag talaga ikaw ang nabunot ko, bibilhan kita ng picture frame."

Umingos si Violet bago sinabing, "baduy!"

Hinayaan ko silang magsagutan. Sumulyap ako ng tingin sa side ni Alvarez na medyo tahimik kumpara sa usual.

You avoided him, what do you expect?

I shrugged off my thoughts. I think I'll just have to focus on my studies other than paying attention to other things.

Kaso, mukhang hindi ako patatahimikin ng isipan ko. Lalo na ng pumasok ang teacher namin sa second sub na kasama ang dalawang babae sa kabilang section. May hawak silang projector at laptop.

"Ehem, Alvarez." Biglang inubo si Carl na sinundan ng iba niyang kaibigan.

Kita ko ang pamumula ng mukha ni Angelica na may hawak ng projector ni ma'am.

"Gago," mahinang sabi ni Alvarez nang lumabas si ma'am. "Tigilan niyo nga."

Inaasar din nung isang babae na kasama si Angelica.

"OMG, anong meron?"

I shrugged, biglang nawalan ng gana. "Crush niya raw si Alvarez, ewan ko."

"WHAT?!" Lumakas ang boses ni Violet. "Crush niya si Steb?!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya bago tinakpan ang bibig niya nang mapalingon sa amin si Angelica.

"Violet!" Suway ko. Lumingon ako roon sa babae bago humingi ng paumanhin. "Sorry, huwag mo na lang siyang pansinin."

Amidst The Vying PsychesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon