steven & hiraya ༉‧₊˚✧ extra 01

4.1K 128 43
                                    

Kenji Steven

"Ang sakit ng ulo ko puta!" Reklamo ni Cameron pagpasok namin ulit sa dressing room.

Kanina pa siya nagrereklamo na nahihilo na siya pero masaya kaming hindi niya ginawang hadlang iyon para makapagbigay ng magandang performance para sa concert namin. Nakasunod naman ang buong team papasok sa kuwarto na para sa amin.

I smiled inwardly when I came to realize where we are now.

Hindi siguro maniniwala ang grade 12 self ko kung sasabihin kong ginanap namin ang pangatlong solo concert namin sa isa sa pinakamalaking arena. Kakatapos lang ng Day 2 Solo Concert namin and despite the exhaustion we feel, I know that we are all over the clouds.

"Tanggalin ko ulo mo para hindi na masakit," natatawang asar ni Iñigo sa kanya habang pinupunasan ng bimpo ang kanyang noo.

"Basher!" Inis na sigaw ni Cameron sa kanya na binigyan pa siya ng dirty finger.

Hinayaan ko silang mag-asaran at pumunta sa pinakadulo ng dressing room kung nasaan ang mga gamit ko. Agad kong binuksan ang cellphone ko at tinawagan ang asawa ko.

Asawa.

Hindi ko napigilan ang malaking ngiti na gumuhit sa labi ko nang maisip ko ang salitang iyon. Bukod sa concert namin ay pakiramdam ko nasa isang panaginip ko kapag naaalala kong asawa ko na si Hiraya.

"Hirang..." I called her over the phone.

"Hello, my love!" Excitement was evident in her voice. "Tapos na concert niyo?"

I nodded even though I am aware that she can't see it. "Yes, hirang. And then an hour from now, we will have our meet and greet."

"Do you want me to go there?" She asked in a soft voice.

Kahapon kasi nung first day ng concert ay nandito siya pero ngayon ay hindi siya nakapunta. Besides, hindi rin maganda ang pakiramdam niya ngayong araw at alam ko ring pagod siya dahil busy siyang mag-ayos ng manuscript. She planned to publish another book so I know she needs more time and energy to do it.

"No need, hirang. Uuwi rin naman ako sa'yo mamaya. Kaso, baka ma-late lang ako dahil may after party na in-organize para sa amin tapos pupunta yata ang ibang fans. Don't worry, sa'yo naman ako uuwi."

"It's okay, love. Alam ko naman na ako ang uuwian mo. Please call me if pauwi ka na." She even giggled a little after her first sentence.

"I will, hirang. I love you so much."

"Mahal kita, Steven...." she heaved a deep sigh before she whispered, "My God, I miss you so much."

Fuck.

Parang gusto ko na lang tumakas at umuwi sa kanya. Nanghina rin kasi bigla ang tuhod ko at pakiramdam ko ay kakailanganin ko ng mahabang oras para lang pakalmahin ang sarili ko dahil sa narinig.

Matapos naming magkumustahan ay lumapit ako kila Cameron. Mukhang tapos na rin silang magpahinga dahil ni-reretouch na ng glam team namin ang make up nila. Nakapagpalit na rin kaming lahat ng outfits para sa meet and greet.

"Ang sakit talaga ng ulo ko. Feel ko mamamatay na ako, e. Guys, iiyak ba kayo 'pag namatay ako?"

Iyon ang naabutan kong tanong nang umupo ako sa tabi ni Cameron.

"Hindi. Bakit, si Winter ka ba?" Tanong ni Josiah sa kanya na binanggit pa ang pangalan ng alaga niyang husky.

"Wala, hindi niyo na ako mahal. Siguro kapag namatay ako, gagawa kayo ng ibang band tapos iba na 'yung frontman niyo?"

Amidst The Vying PsychesWhere stories live. Discover now