Kabanata 10

11.7K 327 88
                                    

Serenity Hiraya

Pagdating ng Biyernes ay aligaga ang mga kaklase ko. Naabutan ko sila sa room na abala sa paggawa ng banner para sa amin ni Alvarez. Linapag ko ang mga gamit ko sa upuan bago nilapitan sila Vi.

"Kanina pa kayo?"

Nang lumingon sa akin si Vi ay agad niya akong sinalubong ng yakap. "Hiraya! OMG! Ang ganda-ganda mo! Good luck sa inyo ni Steb."

"Shut up, maliit na bagay," I joked. "Help me with my makeup? 1 daw start ng program 'di ba?"

"Tara!" Mas excited pa siya compared sa akin. "Ang ganda-ganda ng buhok mo, OMG! Sure ako bagay 'yan sa gown mo."

Hinahawak-hawakan niya pa ang buhok ko bago siya magsimulang makep-an ako. Ang ibang classmates naman namin ay sinusubuan ako ng pagkain habang inaayusan. Ang iba naman ay pinapractice ang question and answer ko.

Nang matapos akong ayusan ay kasama namin si Jasmin sa pagbaba sa gym. Mainit pa ang ulo niya dahil hindi mahagilap si Alvarez. Ewan ko ba kasi sa isang 'yon kung nasaan. Kailangan daw kasi nandoon na lahat ng contestants sa gym 40 minutes before 1 PM.

"Ano? Nahanap niyo na nasaan?" Bungad na tanong ni Jasmine kina Carl matapos niyang utusan ang magkaibigan na hagilapin si Alvarez.

"Oo, pres. Ayon na nga, oh."

Sabay kaming lumingon sa likod niya kung saan siya nakaturo.

My mouth parted when I saw Alvarez behind him. I didn't know he would wear a cropped barong tagalog! He already told me about it being his option but it still took my breath away. A little bit of skin on his abdomen was shown but regardless, he still looked so pretty.

Not to mention that his hair was fixed in a beautiful manner because it was brushed to the back. He has light makeup because his lips were redder and plumper than usual.

And he's wearing freakling eyeliner!

"Ay, sige na! Hindi na ako galit kay Steven. Ang pogi-pogi, oh!"

Nakita kong sumimangot si Carl na nagpatawa sa akin nang kaunti. Nang tuluyang makalapit sa amin si Alvarez ay napatikhim ako. Parang bigla akong kinabahan sa presensiya niya.

"Saan ka ba galing?" Sermon ni Jas.

Napakamot ng ulo 'yung isa. "Sa ABM. Nagpa makeup sa ka partner ng kaibigan ko."

"Contestant din?" Singit ko sa usapan nila.

Nang lumingon siya sa akin ay napansin kong natigilan siya saglit. Humangod ang kanyang tingin mula sa aking ulo hanggang sa paa bago siya nagpakawala ng malalim na hininga.

"God..." he exhaled. Para pa siyang nanghihinang umupo sa bench.

"Sa akin," sagot niya out of nowhere.

"Ha?" Naguguluhang tanong ko. "I asked you if contestant din ba 'yung nag makeup sa'yo?"

He nodded. "Oo, 'yung partner nga ni Josiah."

I almost smack my head. Oo nga pala, kasali rin pala siya.

Nang tawagin na kami ng organizer ng event ay ginabayan niya ako sa paglakad. Mahaba kasi ang gown na suot ko kaya nahihirapan akong maglakad. Isa pa, hindi ako magaling sa heels, anytime ay pwede kong matapakan ang suot ko.

I was wearing a brown fitted Filipiniana with a five inch above the knee slit. Like my previous top, it was covered with unique embroidery patterns and white crystals. It has a sweetheart neckline that connects to the two sleeves that exposed my cleavage a little bit. I had to use a pin on the waist part to hug my curves and make the slit more daring.

Amidst The Vying PsychesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon