Kabanata 3

15.4K 340 132
                                    

Serenity Hiraya

"Alvarez," I called him when we were both in the kitchen. Hindi siya sumagot sa akin pero nagtaas lang siya ng isang kilay.

Katatapos lang namin kumain ng dinner, kasama si dada at si Miss Tati. Sabay na silang umuwi at kahit gusto kong sumama pabalik kay dada, alam kong hindi ako papayagan dahil gusto niyang sanayin ko ang sarili ko sa bagong environment.

"Can you not tell anyone about this?"

He grimace. "Mukha ba akong chismoso?"

I wrinkled my nose. Tingnan mo talaga 'tong bwiset na 'to e. Kinakausap nang maayos tapos parang tanga sumagot. Kaya hindi na ako magtataka kung hindi talaga kami magkakasundo lalong lalo na sa loob ng iisang unit.

"Oo, hindi mo alam?" I raised my brow at him before turning my back. May tubig naman na 'yung tumbler ko kaya wala na akong reason para mag stay pa sa kitchen.

I think I'll probably lock myself on my room at lalabas lang ako kapag wala na siya.

Maaga akong gumising kinabukasan dahil marami pa akong aayusin sa kuwarto. I started unboxing my things. Karamihan ng nandito ay mga gamit ko sa school. 'Yung iba naman ay mga gamit sa kuwarto ko. Konti lang 'yung gamit for kitchen and living room. Kinuha ko lang din 'yung favorite mug at glass ko bago 'yon nilagay sa kitchen.

Eventually, after three hours, I finished cleaning the unit. Well, 'yung sa sala lang at sa loob ng kuwarto ko. I just ordered pizza and rest the whole day. Nag-ayos na rin ako ng mga gagamitin ko sa Lunes. I've organized my things the way I like it before falling asleep because of exhaustion.

Pagdating ng Lunes ay mas maaga akong dumating kaysa sa usual na dating ko. Minsan kasi ay nakadepende sa traffic kung anong oras ako makararating sa school pero since walking distance na lang ngayon, sobrang aga pala.

Wala namang masyadong nangyari nung first sub kaya akala ko gano'n din sa second sub, but I was wrong. Nagpa surprise quiz si sir sa Earth and Life Science. Literal na na surprise kaming lahat dahil hindi kami binigyan ng time para magreview.

My hands are sweaty as I answer the quiz. I answer most of the questions confidently since I remember them, 'yung iba hindi ko talaga alam. Idagdag pa 'yung pressure kasi 45 minutes lang naming sasagutan ang 30 item quiz.

"Pass your papers. When I count to ten at wala pa rito 'yung papel niyo, hindi ko na 'yan tatanggapin."

I passed my paper immediately and I released a shaky breath after. I need to ace this quiz. Pinagpalit ni sir 'yung dalawang row before niya ni-recite 'yung answers. After checking, he made us pass the papers again before he recorded our scores.

"Feel ko ma jejebs na ako rito sa upuan ko. Wala akong alam sa mga sinagutan ko," naiiyak na sabi ni Violet sa akin.

I chuckled and held her hand, "it's okay, ako rin naman."

Unconsciously, I glance at the back where Alvarez was seated. Same row kami this time. Pinalipat sila ni sir dahil tabi-tabi na raw silang mga lalaki sa kabilang row.

"Añasco."

Mabilis akong tumayo para kunin 'yung papel ko. My score is 27 out of 30, not bad for a surprise quiz.

"OMG! Ang galing-galing mo talaga, my love! I'm so proud of you," tuwang-tuwa si Violet sa gilid ko.

I was double checking my papers at hindi ko napansing tapos na pala i-distribute 'yung papers.

"Hala, 22 lang ako."

I hugged her. "It's okay, love! You did well pa rin. At least hindi ka 11 out of 30," tumingin ako kay Lester na agad niyang sinundan ng tingin.

Amidst The Vying PsychesWhere stories live. Discover now