Kabanata 4

12K 407 169
                                    

Serenity Hiraya

"May dala naman tayong projector 'di ba?" Kinakabahang tanong ni Gina.

"Relax, Gi. Kumpleto na gamit natin," natatawang sagot ko sa kanya.

Kanina pa kasi siya nagpupunas ng kamay niya dahil pinagpapawisan daw. Ngayon kasi ang report namin sa CW. Hawak ko ang laptop ni Alvarez dahil inaasikaso ko 'yung slides namin habang 'yung isa naman ay kumuha ng extension sa faculty room.

And then, Gina. She's reading her index card again and again. Kanina pa siya diyan at halos maiiyak na sa kaba. I told her to take a deep breath and relax kasi mas makakalimutan niya 'yung sasabihin niya kapag kinakabahan siya. May possibility pa na ma mental block siya.

"Ikaw? Hindi mo ba aaralin part mo?" She asked.

"Naaral ko na kagabi. Hindi ko pa naman nakakalimutan."

"Hala, sana all. Pa'no 'yun?" Halos naiiyak na tanong niya.

"It's easy kapag nasanay ka na," I tapped her shoulder. Sakto namang pumasok si Alvarez at si sir sa pinto. "Let's go, andiyan na sila."

She let out a loud breath before proceeding to the front. Si Alvarez na ang nag set-up ng projector namin. Syempre, ako na nga nagdala ako pa mag-aasikaso? Good thing nakahiram si dada ng hindi gingamit na projector sa office nila.

Nagstart na kami magreport at katulad ng nakasanayan ko ay ako ang nag introduction. Nagtalo pa kami ni Alvarez kung sino ang mag iintro at mag-end. Of course, hindi ako tumatanggap ng pagkatalo kaya ako ang nanalo.

Nagkaroon lang kami ng problema nang muntik nang makalimutan ni Gina 'yung topic niya but Alvarez saved her quickly. Naiinis pa nga ako dahil gusto kong ako 'yung magtuloy ng report ni Gina.

"Wow, I'm impressed. Very good explanation from your group. I was about to add more information pero mukhang nasabi niyo na lahat," Mr. Enriquez praised us as he rose from his seat. "Class, let's give them a round of applause."

Lumapit siya sa amin at tumayo sa kabilang side.

"Who's your group leader?"

"Me."

"Ako po, sir."

I almost glared at Alvarez when we spoke at the same time. Wala naman talagang leader sa amin pero dahil na rin sa nakasanayan ko ay nag volunteer na kaagad ako.

"Ayiee! Grabe na talaga 'tong dalawang to! Sana all pinag-aagawan!" Rinig kong pang-aasar ng classmate namin na tinawanan lang ni sir.

"Oh, hindi bali. I just want to compliment the person who organized your reporting. Magaling, congrats!" Inilabas niya ang index card na hawak niya.

"Thank you po, sir." Nag bow pa ako ng kaunti dahil sa compliment niya.

"Okay, so your group grade is 97, magaling..." He clapped his hand. "For individual grading; Agas is 96, Alvarez got 97, and for the highest, Añasco got 98."

Kasabay ng palakpakan ng mga classmate namin ay ang pagharap ko kay Alvarez. I have a teasing smile on my face.

"Congrats, Alvarez. Not bad, 97 ka," I said, smirking. "97 lang?"

"Huwag mo akong simulan, Añasco," iritang sagot niya sa akin bago nag-walk out na nagpangiti sa akin.

Buong-buong ang araw ko kapag nakikita ko siyang naiirita sa akin. Para naman malaman niya kung anong feeling ng palagi niyang ginagawa sa akin.

Sunod kong binati si Gina. I congratulated her genuinely before I sat beside Vi. She was squealing in delight as she hugged me. Lumapit din sa amin si Marcus at Cassandra para i-congratulate ako.

Amidst The Vying PsychesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon