Wakas

12.1K 376 622
                                    

Kenji Steven

A woman named Serenity Hiraya Añasco became my life. I know it may sound too soon or may sound unbelievable because I was still young, but I already knew I wanted to spend my future with her.

So, when she left, I was a broken mess.

I feel like a part of me is gone.

It was hard because I kept seeing her in school, in our classroom. Mahirap na iwasan siya lalo na't gusto kong makausap siya. Gusto kong humingi sa kanya ng isa pang pagkakataon.

She was pushing me away. Nagsisimula na siguro siyang mag-heal habang ako, hinahanap ko pa rin ang presensya niyo.

However, when I came back to my senses, I realized that I was making a fool of myself. She clearly does not want me back—or at least not before graduation. Siguro, kapag tapos na ang senior high, pwede na ulit.

So, I decided to break up with her.

Hindi dahil sa gusto kong sariwain ang sakit na naramdaman niya, it was because I wanted to see her happy.

I could still see hesitation in her eyes whenever she wanted to give her all in our academics. Ayokong mag dalawang isip pa siyang ibigay ang best niya. Hindi ko gugustuhin na iisipin niya pa ang kapakanan ko sa pagtupad niya ng pangarap niya—ng dapat niyang gawin.

And because of my decision, mas lalo siyang nag-focus sa pag-aaral niya. Hindi niya na ako iniisip—at iyon ang gusto kong mangyari.

"Par!" Rinig kong tawag ni Carl sa akin habang nagsusulat ako sa notebook ko. Nasa may garden ako kung saan wala masyadong tao at nakakapagsulat ako ng kanta.

"What?" I asked him.

"Mag-Australia pala si Raya?!" Hindi makapaniwalang sabi niya. "Paano na 'yan?"

I stopped writing when I heard what he said.

Alam ko naman 'yon pero hindi ko maiwasang masaktan. Pero, anong magagawa ko? Ano namang laban ko sa pangarap niya 'di ba?

Besides, gusto ko rin namang matupad niya ang pangarap niya. Gusto kong makita niya ulit ang mommy niya. And if I have to sacrifice my own happiness for her, I would do it in a heartbeat.

"Paano kayo mag-comeback?" Nag-aalalang tanong niya sa akin na parang nag-aalala pa.

"Kung... that's the question, pare. Kung magkakaroon ng comeback." I chuckled humorlessly.

Good thing he dropped the topic when the intrams came. This year, I joined the team but since I was preoccupied with other things, hindi kami nanalo.

Dahil doon ay ibinigay ko ang suporta ko kay Josiah. Kaso, si Cameron, gusto niyang suportahan ang dalawa naming kaibigan kaya pinasuot niya ako ng dalawang varsity.

Pagdating ng BOTB ay si Cameron ang pinagtulakan naming maging judge. Siya naman kasi ang frontman at vocalist namin.

Nang mag-perform kami ay wala si Ann kaya nag-pull out kami sa audience. Saktong si Angela ang napag-tripan ng mga kaibigan niya kaya siya ang naka-duet namin sa stage.

She was good, I'd admit. Pero, sa kahit anong galing niya ay iba pa rin ang iniisip kong nasa posisyon niya.

I was imagining her... my hirang. Siya ang nakikita ko habang pinanonood si Angela na kumanta sa harap ko. I had a big smile on my face because of the thought that she would sing with me... for me.

"Ang galing pala ni Angelica kumanta 'no? Hindi ko alam na maganda pala boses niya..." Cameron commented when we were packing up.

"Mas maganda sa boses ni Ann?" Pang-aasar ni Iñigo.

Amidst The Vying PsychesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon