CHAPTER 58: SHE FOUND THE ANSWERS

2.5K 34 0
                                    

Hindi mapigilan ang pagkamangha ni Haven ng makapasok siya sa loob ng library ng mansion dahil sa napaka moderno din ang loob niyon at parang hindi library ang hitsura kung titignan. Parang isang bookstore sa dami ng mga libro. At napakalinis din ang loob.

Dahil glass window iyon ay tanaw na tanaw din niya ang bulkang taal.

She loves reading books too.

"Hindi ka naman napagkamalang mahilig ka sa mga libro." narinig niyang pasaring ng mama ni Aries ng akmang kukunin niya ang isang libro.

Tinignan niya ito as usual nakasimangot na naman ito. Kinakabahan na nilapitan niya ito.

"Opo, mahilig nga po ako sa mga libro." sabi naman niya.

"Maupo ka dito," sabi nitong hindi pinansin ang sinabi niya.

Kaninang tanghali pagkatapos nilang mag-lunch at makauwi sina Eloise at Daniel, pinatawag naman siya ng hapong iyon ng mama ni Aries.

Sumunod siya at naupo sa lamesang katapat nito.

Para tuloy siyang kakausap ng Principal at pagagalitan siya.

"Alam mo na siguro kung bakit pinatawag kita?"

Tumango-tango siya. Kinakabahan siya sa sasabihin nito.

Magsisinungaling na naman siya sa mama ni Aries. Kung bakit ba naman kasi sinabi pa iyon ni Aries!

"Are you really pregnant!?" pagalit na tanong pa nito.

Tumango na lang siya dahil ayaw niyang magsalita!

"Why, you let it happen?"

"I-I was carried away," simpleng sagot niya.

Hindi niya inaaahasahan ang mga tanong nito. Mabuti pa nga kay lola Feliza tuwang-tuwa ito kanina sa pagsisinungaling nila ni Aries!

"You just got carried away!? Anong klaseng rason 'yan. This is what I've told you to keep yourself in distant from my son!"

"I-Im sorry," she said and bit her lower lip.

Sana lamunin na lang siya ng lupa! Hindi na talaga niya kaya ang mga kasinungalingan na lumalabas sa bibig niya.

"Ang sabihin mo inakit mo ang anak ko!" galit na sabi nito.

Nagyuko siya ng ulo. Hindi niya alam ang sasabihin. Dahil si Aries pa rin ang sinusunod niya.

"Matuto kang tumingin kapag kinakausap kita!"

Siya naman ay tinignan ito. Pero hindi talaga niya matagalang titigan ito dahil sa galit sa mga mata nito.

"I'm sorry. Mahal ko na po ang anak ninyo." hindi mapigilang naibulalas niya!

This time she never lies about it anymore.

Dahil sa sinabi niya muling sumiklab ang galit sa mukha nito.

"I won't let you happy with my son! Sinasabi ko na ito sa iyo. Gagawa ako ng paraan para maalis ka lang sa buhay namin." nagtaas baba ang dibdib nito at pinipigilan na magalit. "Get out! Baka ano pa ang magawa ko sayo!" madiing wika nito.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon