CHAPTER 86: THE CRUEL TRUTH REVEALED 2

2.4K 35 0
                                    

"Makinig ka sa akin...namatay ang tunay mong ina dahil sa aksidente,"

"H-hind totoo 'yan! P-paano nangyari iyon?" garalgal ang boses na wika niya.

Kalmado na siya pero sa loob-loob niya gusto na niyang magsisisigaw!

"Makinig ka sakin...Pareho kami ng pinapasukang club ni Leandra at nagkataon na nagkakilala sina Kyoji at Leandra sa Japan. Kyoji offered your mother to be his wife they got engaged but when she got pregnant the wedding was postponed and after she give birth wala ka pang isang taon noon then the accident happened. Hindi ko alam kung planado ba ang pagpatay kay Leandra o hindi lang naging maingat si Leandra kung kaya't hindi nito nakita ang sasakyan papunta sa kanya. Isang malaking bangungot iyon kay Kyoji dahil sa pagkawala ng iyong ina." muli itong humugot ng malalim na hininga at saka nagpatuloy. "At dahil matalik kong kaibigan si Leandra nakiusap sakin si Kyoji na maging biological mother mo.
Nalaman ko na isa palang mayaman na negosyante ang ama mo hindi lang basta mayaman at bago iyan tutol ang mga magulang ni Kyoji sa relasyon nila ni Leandra. Kaya pinaghihiwalay nila ang mga ito.
At hindi nila alam na nagsilang ng sanggol si Leandra na itinago ni Kyoji."

Hindi siya nakaimik sa mga sinabi nito na tila ba parang nanaginip lang siya! Ang gusto lang naman niya sa mga sandaling iyon ay ang sumbatan ang kanyang ina pero bakit marami siyang nalaman na hindi dapat?

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi mo dala-dala ang apelyido ng ama mo? And its because he protected you from his family. Ang pinanggalingan ng mga angkan ni Kyoji ay mga walang halang."

"P-pero bakit tinatrato niyo ako na parang hindi tao?" tanong niya. Iyon lang naman ang importante sa kanya kung bakit ganun siya nito kung itrato!


Hindi dahil hindi siya nito tunay na anak.

Hindi ito sumagot. Nang titigan niya ito sa mga mata naging malungkot na iyon.

For a long time Priscilla remained silent. When she finally spoke her words were choked with emotion.

"It's because I envied your mother so much! Kapag nakikita kita naaalala ko lang si Leandra! Kung kaya't sa iyo ko lahat nabunton ang galit ko sa kanya. Dahil kay Leandra na lahat napunta ang atensyon ni Kyoji na dapat ako ang nasa katayuan niya nung mga araw na iyon. Dahil mas nauna akong nakilala ni Kyoji! And when Kyoji offered me to become your legal guardian hindi na ako nagpa-tumpik pa! He gives me millions para lamang alagaan ka. At ang ikinakasama ng loob ko kay Kyoji ay dahil patago kung suportahan ako at ikaw dahil lingid pa rin iyon sa kaalaman ng pamilya nito. Hindi lang iyon hindi pa niya ako nagawang mahalin! At natigil ang suportang iyon ni Kyoji ng mamatay ito! Dahil ayokong madawit ako sa gulong kinasangkutan mo kaya, inayos ko ang dapat ayusin dahil kargo pa rin kita."

Alam niya ang ibig sabihin ng huling sinabi nito ay ang pagpapalit ng pangalan niya.

Kaya pala hindi sila makadalaw ng matagal sa puntod ng kanyang ama sa Japan ay dahil sa bagay na iyon.

"K-kung ganun bakit hinayaan mo pa rin na magtagal ako sa poder mo?"

"Ang buong akala ko kapag napunta ka sakin mamahalin na rin ako ng ama mo. To be honest with you...aside from loving him...I was also after your dad's wealth!"

Hindi na siya nagulat sa bagay na iyon dahil ganun na talaga ito noon pa. She was one of the most greediest women she had ever known.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon