CHAPTER 87: THE FINAL PROPOSAL

2.5K 33 0
                                    

"Goodevening everyone. Tonight, aside from bringing Leon back home, I also have one more thing that I want to tell you all before the banquet shall begin. As you must have guessed, tonight's celebration is not for me. I need to ask one person permission..."

Lumakas ang kabog ng dibdib ni Haven ng dumapo ang tingin ni Aries sa kanya pagkatapos nitong magsalita sa mikropono. Nakatayo kasi ito sa stage.

Lahat ng panauhin at kakamag-anak ng mga Spinster ay nakaupo na sa banquet na ginaganap sa garden ng mansion.

"Haven Prado Spinster, for the third, and final time of asking—will you marry me again? Because if you won't we're heading straight in the waterfall house and were gonna make babies right away."

She heard everyone laughed.
"Just smile at me sweetheart, you don't have to speak if you agree to marry me again." he commanded.

Haven stared at Aries. Lord, he was gorgeous. Her heart danced erratically in her chest. Speechless for a moment and then smiled at him willingly.

Nakita niya ang pagliwanag ng mukha ni Aries at ang kasiyahan sa mukha nito. Kaagad siyang nilapitan nito at itinayo siya mula sa kanyang pagkaka-upo.
Napasinghap ang lahat ng lumuhod ito sa kanyang harapan.

Binitawan nito ang wireless mikropono na hawak sa lamesang kaharap niya.

"Since you've agreed, no matter what happens in the future, even if you want to go back on your word, I won't allow it." sabi nito at kinuha nito ang singsing na hawak nito mula sa kahita at isinuot iyon sa kanyang daliri.

Kumikislap sa gabi ang diyamenteng singsing na iyon sa kanyang daliri pero mas magniningning ang nararamdaman niyang kasiyahan dahil natupad na din ang kahilingan niya na maging maayos na sa pagitan nila ni Aries.

Muling tumayo si Aries at hinalikan siya ng mariin sa mga labi.

Narinig niya ang masigabong palakpakan sa paligid.

Nagsimulang magpatugtog ang mga orchestra at dinala siya ni Aries sa gitna upang magsayaw sa malamyos na musika.
Magkayakap ang mga katawan habang isinasayaw siya ni Aries sa malamyos na musika.

"I love you." bulong ni Aries at pinaktitigan siya nito sa mga mata na halata ang matinding pagmamahal nito sa kanya.

"I love you too my selfish, manipulative bastard!" she responded at inayos ang kwelyuhan nito sa suot nitong Tuxedo.

"Is that a compliment?" kunot-noong sabi nito.

"Yep, and that's how I loved you from the very beginning!"

Napangiti si Aries sa sinabi niya at kiniliti siya nito sa tagiliran na ikinatili niya.

"Aries, stop doing that!" sabi niya dito at itinigil naman nito.

"Kung pwede nga lang ngayon na kita pakasalan but grandma won't allow me to do that."

"Makapaghintay naman tayo di ba?"
sabi niya.

Ayaw na ulit kasi ni lola Feliza ng biglaang kasalan ang gusto daw nito ay iyong pinaghahandaan ng maigi dahil gaganapin na sa Pilipinas ang kasal nila Aries.

"Next month pa 'yon pero hindi na ako makapaghintay."

Natatawa siya sa reaksyon nito na may halong pagkainip at pagkadismaya.

"Why? What's funny? I'm taking it seriously."

"In that case, you won't be allowed to touch me not until we are married." hagikhik na sabi niya.

Humiwalay ang katawan Aries sa kanya at pinaktitigan siya. "Iyan naman ang hindi ako makakapayag!"

"Hindi pa tayo kinakasal," natatawang sabi niya at hinawakan ang tungki ng ilong ni Aries. Habang ang isang kamay niya ay nakadantay sa balikat nito while Aries arms were in her hips.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now