CHAPTER 21: THE HONEYMOON

4.3K 81 35
                                    

"I declare I don't see how anyone could be so clumsy."  sabi ni Aries at walang kahirap-hirap siyang binuhat nito.

"I guess my wife is too hungry and ran out of energy that she doesn’t want me to carry her in traditional way." Aries said casually and she heard the people around laughing.

Nakatitig siya sa gwapong mukha ng asawa. She felt relieved. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman pero naging panatag ang pakiramdam niya sa bisig nito.

Sometimes Aries bullies her and sometimes he cares for her. Alinman sa dalawa ang tunay na meron ito hinihiling niya na sana balang araw magkaroon din siya ng halaga dito.

Maingat na ibinaba siya nito sa malambot na upuan na pang dalawahan at tumabi ito sa kanya. Medyo naiinis siya sa kumikislap na flash ng camera dahil masakit iyon sa kanyang mata. Pero si Aries hindi nito alintana iyon at mukhang sanay na sanay.

"The son of the CEO takes his father's place."

"The CEO's successor used to be the president but after the successful marriage lately is he going to take over the company?"

"Where are you going to stay after this marriage?"

Iba't ibang klaseng tanong at panimula ng mga reporter ang narinig niya. Sa totoo lang parang celebrity si Aries. Ni hindi rin makalapit ang mga kamag-anak ng asawa niya dahil dinumog sila ng mga reporter. Gayunpaman isa-isang sinagot iyon ni Aries. He has a very forceful manner of speaking.

Hindi din niya masisisi ang mga reporter dahil iyon ang trabaho ng mga ito na pinagkakakitaan nila.

"Okay, enough of this! Can we eat first? You people shouldn't let yourselves starve you can continue your jobs later." naiiritang wika ni Aries at niluwagan nito ang suot nitong necktie. Na-pressure na marahil ito.

Bigla nalang nag-alisan ang mga cameraman at mga reporter sa harapan nila.
 

Lumapit ang mga personnel at binigyan sila ng iba't ibang pagkain. Naging busy na silang lahat.
 

"Congratulations, for both of you!" napigil ang pagsubo ni Haven  nang marinig ang tinig na 'yon ni Eloise at ang kasama nito si Daniel ang fiance nito.

Nakaabrisete ang isang kamay ni Daniel sa bewang ni Eloise. May itsura din ang lalaki mukhang may lahing Chinese or Korean si Daniel at mas matangkad ng konti kay Eloise.

"Thank you, join us." tipid ang ngiti na sabi niya.

Bagamat ang katabi niyang si Aries parang wala lang dito sa sinabi ni Eloise.

"Katatapos lang naming kumain. Bagay na bagay talaga kayo nakakainggit parang gusto ko ng hilahin ang mga araw ng sa ganun makasal na kami nitong si Daniel." natatawang sabi nito at tumingin kay Daniel na halatang in-love ito.

"Don't worry babe, makakarating din tayo diyan," nakangiting tugon din ni Daniel at marahang hinalikan nito si Eloise sa mga labi saglit lang.

Nakita niya sa peripheral vision niya na natigil sa pagsubo ng pagkain si Aries.

Padabog na binitawan ni Aries ang kubyertos nito. Nagulat ang dalawa sa inasal nito.

"What is this all about Eloise? Mukhang mauunahan niyo pa kaming mag-honeymoon ng asawa ko." Aries said sarcastically.

Natawa si Eloise sa sinabi nito.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now