CHAPTER 11: HIS LOVE INTEREST

4.4K 76 17
                                    

Matapos ang pag-uusap nila ni lola Feliza ay lumabas muna si Haven ng mansion. Habang hinhintay pa nila ang iba pang panauhin para sabay-sabay na silang mag-dinner at ipapakilala daw siya nito. Malawak ang nasasakupan ng lupain ng mga Spinster. May sarili din itong golf course malawak na swimming pool , at open court para sa pwedeng maglaro ng tennis at iba pa.

Tinungo niya ang garden sa gilid ng bahay at sa bahaging mayayabong na halamanan. Namangha siya sa mga iba't ibang bulaklak na kumakapit sa mga wire na dinesinyo upang doon namumukadkad ang mga bulaklak at para matatakpan ng araw ang garden.

Hanggang sa bumungad sa kanya ang napakaraming iba't-ibang klase ng mga bulaklak na humahalimuyak ang bango ng mga ito.

Umupo siya sa bench at tumanaw sa malayo.

The view was breathtakingly beautiful! It was perfect! Tanaw na tanaw ang taal lake.

She loved to see the sunset. It was really amazing! Tila nawala saglit ang mga suliranin niya.

Nakarinig siya ng helicopter na sa tingin niya malapit lang ang kakalapagan nito. Hindi naman imposibleng magkaroon ng helicopter ang mga ito sa yaman ba naman nila.

Hanggang sa hindi na niya tanaw ang palubog na araw at ginupo na ng dilim ang buong paligid.

The light of the place was dim. Hindi mapapansin na may tao sa gawi niya dahil sa mga mayayabong at nagtataasang mga halaman at bulaklak.

Maya't-maya nakarinig siya ng mga yabag na papalapit sa kinaroroonan niya. Tumayo siya at papaalis na sana siya nang marinig niya ang boses na pamilyar sa kanya.

Pupunta kaya sila dito?

Kaagad siyang nagkubli sa gilid na natatakpan ng mga halaman. Hindi din naman niya makikita ang  kinaroroonan. Kinagat ni Haven ang hintuturo nito.

Lord, patawad po hindi ko po sinasadya na makinig!

Narinig niyang napabuntong hininga si Aries.

"Yeah, just forget what I've said before."

Tumawa ang babae. "I told you, Daniel and I were both in a serious relationship. Magkakilala na kami since college. What matters most is we love each other." the girl said happily.

"Do you really love him?" tanong ni Aries.

"Yes!" walang preno-preno na sagot ng babae.

Sino kaya siya?

"Okay."

"Yon lang masasabi mo? Tsk. When you meet Daniel I swear maling-mali ka ng impression sa kanya."

"I don't think so."

"Why?"

"Alam mong malaki ang share ni tita Beatrice sa kompanya ko. Hindi ka ba nagtataka na 'yan ang habol sayo ng Daniel na 'yan. You're rich and independent woman. Mag-isip ka muna bago ka mag-decide."

"Here we go again. Sinasabi mo bang mukhang pera si Daniel? Hindi ganun si Daniel!" this time galit na ang kausap ni Aries. Hindi niya makita ang mga ito pero dahil sa mga boses ng mga ito kaya narinig niya ang usapan ng mga ito.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon