CHAPTER 19: DARE TO ESCAPE?

4.5K 96 51
                                    

“Who is that handsome guy? Bes, I saw it, he kissed you! Don't you dare deny it!" sa nanlalaking mga matang tanong ni Lexi.

"Im Aries, your friend's groom and you're Lexi, right? Lagi kang kinukwento sakin ng fianceé ko. It is nice to know such a good friend of my bride." sabi ni Aries at inilahad nito ang kamay kay Lexi na tinanggap naman nito.

"We were going to get married the next two days right, sweetheart?" casual na sabi ni Aries at ibinaba nito ang tingin sa kanya. Tango lang ang naging sagot niya.

Papaanong nasundan siya kaagad nito!? At papaanong nalaman nito ang pangalan ni Lexi? Nakailang lunok na siya ng coffe de latte pero hindi pa rin mabawas-bawas ang tensyon na kanyang nararamdaman. Paano kung nakatunog ito na tatakas nga siya?
 

"Haven! You liar! Sabi mo sa akin wala ka pang boyfriend! And now malaman-laman ko na ikakasal ka na? Bessy, naman akala ko ba walang lihiman!"

"Did she tell you that? Sweetheart, why didn't you tell her the truth that I am your man?"

"H-hindi nama—" She was about to say something when her friend cut her words.

“Tapos sasabihin mo sakin na gusto mong mag-stay sa apartment!" gusto na niyang batukan ang kaibigan sa pambubuking nito. 
 

"Sabi ko na nga ba, may nililihim ka sakin nagtatampo na ako sayo niyan! Hmp!"

Tumawa si Aries sa inasal ng kaibigan niya. Pero alam niya na kunwaring tawa lang 'yon.

"Didn't she even tell you that you’re the maid of honor? I thought kaya siya nakipagkita sayo para sabihin 'yan." nanlaki ang mga mata niya at tinignan si Aries. 

Ano ang pina-plano nito? Seryoso ba ito!?

"Wala siyang sinabi sakin," nakalabing sabi ni Lexi.

"I can't give you the invitation right now but tomorrow we will send it to you then. Dito namin balak ikasal dahil nandito ka. Pasensiya na kung naabala ka pa nitong magiging misis ko. Can I have my bride now 'coz I miss her so much."

Napanganga nalang siya sa magaling na kwento ni Aries.
 

Mukhang kinilig pa ang kaibigan niya, "Yes! Shoo! Hindi na ako galit sa friend ko total kinuha niyo na din naman akong maid of honor sa kasal niyo."

Unti-unting tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi. Si Lexi nalang ang natatanging sandalan niya ngayon. "Lexi! Please...don't go! Please stay with me for a...while or...I'll come with you." natataranta na sabi niya. 

Tinatawag niya ang pangalan nito kapag seryoso siya at alam nito iyon.

Hinawakan siya ni Aries sa kamay at itinayo. Kasabay niyon inakbayan siya.

Nangunot noo naman si Lexi sa inasta niya.

"Bessy! Hindi na maganda na sasama ka sakin. And besides kung ano man ang kwento mo sakin kanina wala na 'yon sakin ang importante nalaman ko na ikakasal ka na and I know you are safe with him. Bakit ka ba umiiyak diyan para kang bata magkikita pa naman tayo sa araw ng kasal mo." natatawang sabi nito nilapitan siya at pinunasan nito ang kanyang mga luha.

Kung alam lang nito ang totoo. Pero natatakot siyang sabihin dito ang katotohanan at ayaw niyang madawit ang kanyang kaibigan.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now