CHAPTER 59: HAVEN RANDOM THOUGHTS

2.5K 37 0
                                    

Mabilis na lumipas ang isang linggo at papatungo na nga sina Haven, Eloise at Daniel sa Palawan kung saan magbabakasyon sila ng isang linggo.

Sakay ng private plane na bumaba sila sa Puerto Princesa International Airport at may sumundo sa kanila na malamang mga tauhan din nila Aries bago sila sumakay ng bangka papuntang private beach ng kanyang asawa.

Umuwi na muna si Aries ng Tagaytay upang sa huli makita muna sila nito bago sila papuntang Palawan.

Sa isang linggo na hindi niya nakita si Aries pakiramdam niya napakalungkot niya.

Hinayaan kasi siya nito na mag stay sa mansion at ito na muna ang mag-isang bumalik ng condo. Before she boarded the plane, Aries reminded her to be careful with her actions and said that she would do her best to separate the two couples.

Bakit ba kasi siya umasa na nagbago na nga si Aries na may pagtingin na ito sa kanya?
Lagi niyang na pagkakamali ang mga kinikilos nito.

Ang buong akala niya dahil sa mga masusuyong halik at pagki-care na ipinakita nito sa kanya ay gusto na siya nito. But she got it wrong!

Naiinis siya sa kanyang sarili dahil pilit niyang ipinupusta ang puso niya sa lalaking hindi naman pala siya gusto. Siguro gusto lang siya ni Aries dahil may interes ito sa kanya. Interes na alam niyang si Aries ang makikinabang.

Kung sana may mga sinagot siya sa mga manliligaw niya noon para naman alam na niya ang gagawin kung sakaling masasaktan siya sa huli.

Kaya ngayon bago lang sa kanya ang pakiramdam na nasasaktan. Sobrang sakit pala!

Lalong-lalo na nang malaman niya na si Aries nga si AJ! Ang batang medyo payat pa noon na palaging nambubully sa kanya pero 'nung nasa bingit sila ng panganib ito naman ang nagliligtas sa kanya.

Ibang-iba na ang itsura nito noon kumpara ngayon. Tuluyan ng nagkalaman ang katawan nito at lalo pa itong hinubog ng ilang taon.

Kaya marahil ang bilis tinutugunan ng puso niya si Aries sa kabila ng masamang ugali nito ay dahil bahagi ito sa kanyang nakaraan.

Pero paano niya sasabihin kay Aries na siya si Emi?

Nagpalit na siya ng identity. Hindi niya alam kung paano niya uumpisang sabihin iyon at natatakot siya!

May kasalanan din naman siya noon dahil siya ang dahilan kung bakit hindi sila tuluyang nakatakas!

Napakalampa niya at sobrang iyakin!

Naalala din niya si AL ang kakambal nito.

Paano kung si Marco at AL ay iisa?

Posible kayang mangyari 'yon? Pero nakita niya mismo sa kanyang mga mata noong siya'y ma-kidnap kung paanong pinagbabaril si AL.

At bakit ganun ang ugali ni AL walang galang sa babae?

Naalala na naman niya ang dalawang kambal na kasama niya noon sakay ng yate.

At ngayon ngang sakay sila ng bangkang de motor at malawak na karagatan ang nakikita niya.

Napapikit siya dahil hindi na niya kaya ang kanyang nakikita. Parang bumalik siya sa nakaraan na kung saan sakay sila ng bangka noon nang kunin sila ng mga nakamaskarang kalalakihan.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant