CHAPTER 50: HIS LIFE MISERY

2.7K 36 0
                                    

Haven smiled bitterly when they stopped at the road near to a sea which was perfectly black sand.

Napakakulimlim din ng kalangitan, a little foggy at madilim para pa nga yatang uulan.

May mga nagtataasang ding malalaking formation rock sa paligid niyon.

At hindi pwedeng gawing paliguan ang dagat bagamat hindi masyadong maalon ay talagang hindi pwede dahil na din sa lamig at ang kasing itim ng uling na buhangin niyon ay ang isa pang nagbibigay kilabot sa kanyang katawan.

Mabuti na lang at nakasuot siya ng boots at makapal ang sole niyon. Tinignan niya ang suot nila ni Aries kung tutuusin para na silang may couple shirt, same outfit.

Pagkatapos siyang dalhin kanina ni Aries sa isang restaurant pinakain lang pala siya nito ng ice cream! To brighten up her mood daw!? Ginawa pa siya nitong bata. Ayun nagutom ito at kumain na din.

Nang matapos sila dumaretso na sila sa black beach.

"Aries, what are we doing here?

May balak ka na naman ba'ng itapon ako sa dagat na 'yan?"

"Silly. You always think that I'm going to hurt you."

"Hindi nga ba? Kung saan-saan mo naman kasi ako dinadala, siguro naman marami namang ibang
magagandang lugar dito sa Iceland." reklamo niya.

Nangunot ang noo nito sa sinabi niya.
"For me this is the most beautiful place in Iceland."

So ito ang sinasabi nito kanina na black beach.

"Give me your hand," sabi nitong iminuwestra pa nito ang isang kamay nito sa kanyang harapan.

Tinitigan niya lamang iyon nang hindi siya kumilos at ito na ang nagkusang kumuha sa kamay niya at inilalayan siya nitong maglakad papalapit sa baybaying dagat.

"Aries, anong gagawin natin diyan huwag mong sabihing maliligo tayo?"

"Will you stop interrogating me? Sumunod ka nalang." sabi nitong ipinagpatuloy nila ang paglalakad hanggang huminto sila ng nasa malapit na sila sa alon ng dagat.

"Have you been here often?" kapagkuwan tanong niya.

"I wouldn't say that often." When she didn't reply he added, "Never with a girl before."

Hindi niya alam pero parang napaka-special niya sa sinabi nitong iyon na para bang siya pa lang ang unang babae na dinala nito doon at hindi si Eloise.

"But Aries, why did you bring me here?"

Humugot muna ito ng malalim na buntong hininga at tumanaw sa karagatan.
"This place is something meaningful to me." makahulugang sabi nito.

Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito at punong-puno ng misteryo iyon.

"What about?"

"This place is my comfort zone." tinignan niya ito.

"I-I don't understand,"

"How will you define the place?" he asked nang hindi pinansin ang sinabi niya.

"Malungkot, madilim, parang walang kabuhay-buhay…ang baybaying dagat." mabilis na sagot niya.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon