CHAPTER 82: CAN SHE FORGET AND FORGIVE?

2.5K 32 0
                                    

"Ouch! Godammit!" sigaw na bigkas ni Aries nang madapuan ang kamay nito sa tumatalsik na mantika mula sa kawali.

Kasalukuyan silang nagluluto sa kusina.

Pagkatapos kasi nilang maligo sa dagat kanina ay nagbanlaw at nagbihis muna siya ng bulaklaking bestida.

Lahat ng mga damit sa closet na kwartong tinutuluyan niya ay pawang pang beach outfit.

At ang mga nahuli nilang isda kanina ang iniluluto nila.

"Aries, stop cursing will you?"

"Hindi ko mapigilan," reklamo na sabi nito habang hinahawakan ang natalsikan nitong kamay.

"Ibabaligtad mo lang naman ang isda,"

"Bakit kasi nakikipaglaban ang mantika," reklamo nito.

"Patayin mo muna kasi ang kalan kung takot kang matalsikan bago mo ibaligtad,"

"Ganoon ba iyon?" sabi nito at pinatay naman.

"Akala ko ba magaling ka? Hindi mo naman yata ginagamit ang utak mo." inis na sabi niya.

"Wife you are right, magaling ako sa ibang bagay but cooking...I really never cook in my whole life."

She rolled her eyes. "So? Ang lakas ng loob mong dalhin ako sa islang ito na hindi mo naman pala kayang i-provide sakin ang mga kailangan ko? Specially food?"

"I brought some canned goods here. Isn't that enough?"

"Sa tingin mo mapapatibay ng resistensya mo sa pagkain ng mga de lata?"

"I know maghahanap naman ako mamaya ng mga gulay at prutas sa isla,"

"Whatever! O ano pang hinihintay mo baliktarin mo na 'yang isda." inis na wila niya.

"Okay wife," nakangiting wika nito at muling hinawakan ang sandok at ginawa nito ang inuutus niya pero bago pa nito tuluyang baliktarin iyon nang muling tumalsik ang mantika sa kamay nito!

Napasigaw ito at nagtatatalon.
Wala sa sariling napabulanghit siya ng halakhak.

Halos hawakan na niya ang kanyang tiyan sa kakatawa.

Natigil lang siya sa pagtawa nang mapansin niyang nakatulala si Aries habang titig na titig sa kanya.

"What?"

"You're laughing at me?"

"Katawa-tawa ka naman talaga?"

"That is not what I mean."

"Ako na nga diyan," sabi niya at nilapitan ito. Inagaw niya ang sandok. Baka kung saan na naman humantong ang usapin nila.

"That was the first time I'd seen you laughed like as if you have already forgiven me."

"Bakit Aries wala ba akong karapatang tumawa sa kabila ng ginawa mo?"

Umiling-iling ito. "Wife, you know what when you laughed like that its just like somethings strange feeling that hit on me."

"Tinamaan ka na siguro ng kunsensiya mo," sarkastikong sabi niya.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now