CHAPTER 33: HER UNEXPECTED VISITOR 1

2.9K 50 3
                                    

Philippines...

Isang linggo na ang nakalipas simula nang magbalik sina Haven at Aries ng Pilipinas.

Pagkaraan ng dalawang araw na dumating sila ng Pilipinas, her husband was called to an overseas conference abroad.

Nagtungo naman kaagad ito ng Europe kaya magli-limang araw na niya itong hindi nakikita at nakakausap. Hindi niya alam kung kailan uuwi ang asawa. Hindi naman ito nagpaparamdam sa kanya.
Naging masaya ang mga araw ni Haven dahil sa limang na araw na 'yon ay walang Aries na sumira ng araw niya.

At siya naman napagtagumpayan niyang bumalik sa bahay ng mama niya. Madaling naproseso ang muling pagkuha niya sa bahay nila pero nakapangalan pa rin kay Aries.

Hind pa rin mapupunta sa kanya ng buo ang bahay at lupa nila hanggat hindi niya napagtagumpayan na paghiwalayin ang dalawa!

Ang kanyang mama naman ay wala pa talagang lead kung nasaan ito. Namimiss na niya ito.

Lumabas siya ng bahay nila at bitbit ang gardening tools. Itutuloy niyang bungkalin ang mga ilang ligaw na halaman at magpapayabong siya ng ibang halaman.

Ganun lagi ang routine niya sa umaga. Wala naman siyang katulong sa bahay nila. At mas gusto niyang siya ang gumagawa ng gawaing bahay.

Sinimulan niya ng magbungkal at magtanim ng halaman. Mabuti nalang at medyo makulimlim ang kalangitan pero pinagpawisan pa rin naman siya.

Natigil siya sa kanyang ginagawa nang marinig ang boses ng gwardiya. The guard voice came over the intercom, telling him that she had a visitor.

Nagmadali siyang tumayo at tinungo ang intercom sa pintuan ng bahay.

Si Aries ang nag-suggest na bigyan siya ng guwardiya sa labas at maging ang intercom siya din ang naglagay bago ito magtungong Europe. Hindi niya alam kung ano ang purpose nito baka pinagbabantayan siya nito. Imposible na 'yong safety niya ang iisipin nito.

"Sino po sila?"

"Maam, Carmela po."

Ang mama ni Aries? Simula ng makasal sila ng asawa hindi na niya ito nakausap. Dahil pagkatapos ng kasal kinaumagahan bumalik din ang mga ito sa Pilipinas kasama sina Lola Feliza.

"Sige mang Bert, papasukin niyo po siya,"

Tinanggal niya ang gloves na suot at inayos ang sarili. May't maya pumasok ang sasakyan nito at ipinasok sa garahe nila na hindi naka konekta sa bahay nila.

Lumabas na ang mama ni Aries mula sa kotse nito. Nagtataka siya kung bakit mag-isa lang nito na dinalaw siya. Puwera lang ang driver nito.

Ang ganda ng tindig nito at sopistikada kagaya ng kanyang mama. Magkaiba lang ng pananamit ang dalawa dahil ang mama niya mahilig sa mga sexy'ng damit samantalang ang ina ni Aries laging pormal ang suot nito na bumagay sa postura nito.

"Good morning, napadalaw po kayo," nakangiting sabi niya.
Alam niya na mabait ang ginang.

Nawala ang pagkaka-ngiti niya ng umangat ang isang kilay nito at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

"You don't look graceful," sabi nito.

Nakasuot kasi siya ng maong shorts at puting body hugging plain T-shirt. Tila pakiramdam niya nagbago ang timpla ng ugali nito.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon