CHAPTER 26: AFTER THE HONEYMOON

4.5K 87 90
                                    

The next morning Haven and Aries finally boarded in California. Nakarating sila sa isang mataas na gusali na kalalapagan ng helicopter.

Nang makababa ang eroplano sa helipad kaagad silang bumaba kasama ang dalawang tauhan nito at gamit nila ang elevator pababa ng building.

Naging sunud-sunuran na lang siya dito.

Natapos ang dalawang araw na honeymoon kuno nila na walang nangyari.

Nang tuluyan nilang marating ang parking lot sa baba ng building nakita niya ang mga pinsan ni Aries.

"Bessy!" sigaw sa kanya ni Lexi Nagulat siya nang makita din ito.
Niyakap siya nito nang mahigpit!
"Kamusta ang honeymoon niyo? Nag-enjoy ka ba?" nakangiting tanong nito na kaagad ikinapula ng pisngi niya.

Nginitian niya ito."Okay naman, anong ginagawa mo dito?" nagtataka na tanong niya.

"I called her, ano tama ako di ba na gentlemen ang pinsan ko! Tignan mo nga naman ang mukha mo, blooming!" tudyo sa kanya ni Eloise na parang kinikilig pa ito.

Nagtawanan naman ang mga pinsan ni Aries. "Huwag ka munang magbuntis at that age of yours, you should still enjoy life alone without thinking other obligations."

"Chloe, huwag mo na lang silang pakialaman. Mas maganda na ang mabuntis na siya para may pamangkin na ko! Dapat sana babae para maturuan ko siya sa pagrampa!" kontra naman ni Tasha.

"Hey, girls! We have a lot of things to do! We'd better hurry!"
Nangunot siya sa sinabing iyon ni Britney.

"Oh, yeah, we're going to Sky Mountain Resort of Lake Tahoe. Mag-ski daw tayo." excited na sabi ni Lexi.

"Really?" she said. Tinignan niya si Aries na nauna na itong pumasok sa magara nitong sasakyan.

"Oh, yes! Kaya tinawagan namin si Aries kahapon na umuwi na kayo. Okay naman na siguro ang dalawang araw na honeymoon ninyo? Ngayon lang kasi kami nagka free time magbonding magpipinsan at syempre kasama ka." mahabang litanya ni Eloise.

"Oo naman okay lang sakin 'yon," nakangiting tugon na lang niya. Kahit naman paano makakasama niya ang mga ito.

Nagtungo silang lahat sa Lake Tahoe dala ang kani-kanilang mga kotse.

Sina Aries at Haven ay magkatabi sa isang kotse habang si Lexi naman kasama nito sina Vandrix at Tasha wala kasi ang girlfriend nito at ang boyfriend ni Tasha.

Naging Tahimik ang buong byahe nila ng asawa mula pa kaninang nakasakay sila sa helicopter.
At ngayon nga nakakabinging katahimikan na naman ang pumagitan sa kanila ng asawa.

"You should focus to Daniel and Eloise." kapagkuwan sabi nito.
Tinignan niya ito habang abala ito sa pagmamaneho. Seryoso ba ito? Makikipag flirt siya kay Daniel habang kasama ang mga pinsan nito?

Gayunman hindi nalang siya umimik.

Tumingin na lamang siya sa bintana. Namangha siya sa mga magagandang tanawin na nakikita niya.

For her, traveling is a fool’s paradise. She can be intoxicated with beauty, and lose her sadness. Nothing can bring you peace but yourself and nothing can bring you peace but the triumph of principles.

"What's worrying you?" Aries asked suddenly.

"I’m not worrying,"

"Good. Hindi ka dapat nagsasayang ng oras. Remember behave yourself and do your job well."

Talagang tinuturing lang siya nitong empleyado nito. At pinaalalahanan na naman siya nito na mag-behave!?

"Okay." maikling tugon na lamang niya kahit ang totoo nahihirapan siya sa ganoong set-up nila.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon