CHAPTER 92: HAVEN AND AL GOT MARRIED

2.7K 33 0
                                    

Pagkagising ni Haven sa Villa Madrigal ay kaagad hinanap ng mga mata niya si AL

Kinabukasan na ng tanghali nang marating nila ang Villa ng mga ito. Halos wala siyang tulog nung nagdaang gabi habang nasa yate sila.

Dahil nakikiramdam pa rin siya sa kanyang paligid na baka mapahamak siya. At nang makarating na sila ng Villa ng tanghali at mananghalian ay natulog kaagad siya sa inalaan na silid niya.

At ngayong paggising niya ng alas sais ng gabi. Dumeretso agad siya sa banyo at naligo. Nanlalagkit na kasi ang pakiramdam niya.

At nang makaligo at makabihis siya ng damit na nakita niya sa aparador ay kaagad niyang isinuot iyon at lumabas sa kanyang silid.

Tinignan niya ang kanyang paligid at namangha sa kanyang nakita.

The Villa was filled of Antique collections! Kitang-kita niya mula sa itaas na kinaroroonan niya ang mga antigong bagay sa first floor.

Sa tingin ni Haven napakalaki din ng Villa ni AL.

Sa mga sandaling iyon lang niya na-appreciate ang Villa.

Minabuti niyang bumaba. Sa tingin niya walang tao sa loob ng villa. Napakalawak ng living room ng mga ito. At napansin niya ang bawat sulok ay may pintuan.

Tinignan niya ang bawat pintuan sa ibaba ng Villa at hindi niya alam kung ano ang nasa loob.

At nang makarinig siya ng mga yabag, mabilis siyang pumasok sa mga malalaking silid.

She didn't have a choice but to hide. Malayo din ang kanyang silid para takbuhin pa iyon.

She looked around to where she was. She was inside of a library!
Mukhang doon din tutungo sa pinasukan niya ang mga narinig niyang yabag kaya minabuti niyang magkubli sa sulok.

"Don't you ever dare marry that woman! Kakauwi ko lang mula sa Planta ganyan agad ang malalaman ko!" bulyaw agad ng babaeng pumasok na kasama ni AL.

Kitang-kita niya ang mga ito sa madilim na sulok na kinaroroonan niya.

"Hindi ba't may usapan tayo!? That you are going to free me once I get married!?"

"Oo pumayag ako! Pero hindi ibig 'sabihin nun na tatalikuran mo na lang ako pagakatapos mo akong pakinabangan!"

"Pinakinabangan? Baka nakakalimutan mo na ikaw mismo ang nakinabang!"

"Hindi mo mararating ang ganyang buhay mo kung hindi dahil sa akin!"

"Shut up, Celestine! Baka nakakalimutan mo rin that Don Felipe entrusted me his all wealth! At lahat ng iyon pinagpaguran ko rin. At dahil tumatayo kang magulang ko at guardian ko kaya ka nakikinabang!"

"Really? At paano kung namatay ka? Hindi ba't sakin din mapupunta lahat ng iniwan sa'yo!?

"Are we gonna fight this over and over again!?"

Lumapit si Celestine kay AL at niyakap ito mula sa likod at para bang kakaiba ang ginawa nito.

Hanggang sa pumasok na ang kamay nito sa loob ng polong suot ni AL at tila naglalaro ito doon!

What was wrong with them!?

Ano ba talaga ang tunay na relasyon ng mga ito?

"Enough!" sigaw ni Marco at lumayo kay Celestine.

"Hindi ka ba nasasabik na gawin nating muli ang ginagawa natin noon? I know hindi mo iyon matanggihan." may paglalambing na sabi nito na tila nang-aakit.

"Stop it, Celestine! I had enough of you!"

"May nangyari na ba sa inyo ng babaeng iyon!? Kung kaya't agad-agad mo siyang pakakasalan!?"

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now