CHAPTER 31: THE TRUTH ABOUT HER TATTOE

5.6K 114 215
                                    

"Hubad!" galit na sigaw ng babae sa batang si Emi na sa tantiya'y trenta ang edad mataba ang pangangatawan, may hindi kaaya-aya ang hitsura at maraming guhit ang katawan nito.
   

"Ayoko!" sigaw ni Emi habang takot na takot ito sa babaeng kaharap at nagsumiksik sa isang madumi at maalikabok na gilid.
   

"Hoy ikaw na bata ka! Kapag ako ang pinagalitan ng boss ko makakatikim ka talaga sakin. Hubarin mo na 'yang sapin mo!?" bulyaw sa kanya ng babae na halos magsilabasan na ang ngipin nitong manilaw-nilaw at mukhang hindi nililinis niyon.
   

"Gardo! Talian mo nga ang batang 'yan! Nakakapagod! Pag talaga ako nagutom kakainin ko ng buhay 'yan!" sigaw ulit ng matabang babae habang si Emi hindi na halos makahinga sa sobrang pag-iyak at sa takot na totohanin nito ang banta nito.
   

"Ano ba kasing gagawin mo sa batang 'yan!?" tanong ni Gardo.
   

"Lalagyan ko daw ng marka ang katawan niya."
   

"Ano!? Marunong ka ba?"hindi makapaniwala na sigaw ni Gardo
   

"Kaya nga ako na di ba tapos ko na 'yong isa kaya ikaw talian mo na yan!"
   

"Parang bata lang hindi mo pa kaya sa lakii ba naman ng katawan mo."
   

"Tang*na, huwag ka ng maraming satsat diyan!" kaagad namang tumalima si Gardo.
   

"Huwag po! Huwag niyo na po akong turukan!" nagmamakaawang sigaw ni Emi.
   

"Oo nga noh! Ang tanga ko talaga." sabi ng matabang babae at nasapo pa ang noo nito.

"Gardo, kumuha ka nga ulit ng pampatulog 'dun! Ang akala ko kaya ko na ang isang 'to ng hindi na pinapatulog pero isa ding matigas ang ulo!"
   

"Huwag po, ate! Ayoko na pong maturukan!"muling pagmamakaawa ni Emi at tinignan niya sa di-kalayuan sa kanya ang walang malay na ngayon na si AJ.
   

Nilapitan siya ng babae at dinuro nito ang noo niya. "Alam mo ikaw na bata ka kapag hindi pa talaga naibigay 'yang ransom na hinihingi namin mas lalo namin kayong pahihirapan ng kasama mo!" bulyaw nito.
   

Hindi umimik ang batang si Emi. Lagi itong nagdarasal na sana matapos na kalbaryo nilang iyon ni AJ at makaalis na sila sa teritoryo ng masamang tao. Namimiss na niya nag kanyang mga magulang. Lalong-lalo na ang kanyang ama.
   

"Pakawalan niyo na po kami..." sinisinok na wika niya.
   

Tumawa ang babae. "Ano kami mga tanga!? Pakakawalan nalang namin kayo ng wala kaming makukuha!"
   

Hindi na nagawang makapagsalita ni Emi nang dumating si Gardo at may hawak na heringilya.
   

Lalong nag sumiksik si Emi sa gilid dahil alam nito ang susunod na gagawin sa kanya ng mga ito.
   

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon