CHAPTER 67: ELOISE WITNESSED THE TRUTH

2.4K 36 0
                                    

"I think, we're out of gas," sabi ni Daniel nang maabutan niya itong binubuhat-balik nito ang gasul at tinatantiya nito kung may laman pa iyon.

Mukhang nagluluto yata ito para sa hapunan nila.

Narinig siguro nito ang mga yabag niyang papalapit dito kaya nasabi nito iyon.

"M-may maitutulong ba ako?" maikling tanong niya.

Namaywang ito sa harapan niya.
"Perhaps none, but I'm sure we can find solution,"

"Then what would it be?"

"Hmn, some old traditions, I think?" he suggested.

Nakuha agad niya ang sinasabi nito, "You're right then let's do it,"

Sumilay ang ngiti sa labi nito.
"Sure!"

Mabilis na nawala ang tampo niya kay Daniel, siguro ay dahil kulang siya sa tulog kagabi at nang nakatulog siya kanina parang naging presko ulit ang utak niya.

Wala pa rin kasi sina Aries at Eloise. Hindi na niya na tanong iyon kay Daniel kung bakit wala pa ang mga ito at malamang wala din itong alam kung anong oras babalik ang mga ito.


Mag-aalas sais na din kasi ng gabi. Iniisip tuloy niya na malamang busy marahil ang mga ito at maraming ipinapaabiso si Eloise sa mga staff nito sa Manila.

O hindi naman kaya'y binibigyan siya ni Aries ng oras na magawa niya ang plano nilang dalawa. Kahit kasi ni katiting wala siyang maisip kung paano ba gawin ang plano nila.

Lumabas sila ng kusina sa mismong exit at tinungo ang masukal na isla na malapit lang din sa resthouse. Dala ang flashlights na naghanap ng mga kahoy na gagamitin nilang panggatong. Nag-aagaw na kasi ang dilim at liwanag.

"Just be careful," babala ni Daniel at inilalayan siya nito na makababa sa mabato at madulas na putik na dinaanan nila.

"Thanks," maikling tugon niya.

"I think there's a freshwater here in this island," sabi nito.

Siguro tama ito hindi pa naman kasi niya nalilibot ang buong isla.

Marami na ding nagliliparang lamok sa mga dinaraan nila na dumadapo sa kanyang braso na agad naman niyang tinataboy iyon gamit ang kamay niya.

"Are you really okay? Ihahatid na kita sa loob," nag-aalala na sabi nito nang tumigil na sila sa mapunong banda.

"Okay lang ako, huwag lang ahas ang dadapo sakin!" sabi niya na nanginig pa siya sa sinabi.

Daniel chuckled, "Huwag kang mag-alala bago pa sila makapunta sayo dadaan muna sila sakin."

Hindi niya alam kung matatawa siya sa sinabi nito, "Ano ka ba! Umpisahan na kaya natin," sabi niya at nauna na siyang mamulot ng kahoy.

"Okay, kamahalan!" pabiro pang sabi nito. Inikot na lang niya ang mga mata niya.

Isa sa gusto niya noon ay mag-camping, dahil ginagawa na niya iyon noong nag-aaral siya ng kolehiyo. Marami siyang matututunan at hindi bago iyon sa kanya.

"Haven, watch your steps!" sigaw ni Daniel na kaagad siyang napatili at napalundag papalapit dito!

"A-ano iyon!?" takot na tanong niya.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon