Epilogue (Last Part)

827 36 15
                                    

Warning: R-18 |This chapter may contain slightly matured content that is not suitable for very young readers. Read at your own risk.

Kiel Dominic's POV

“I love you..,” I whispered on my wife's ears.

“Mahal din kita,” sagot niya kasabay nang pagpatak ng isang butil ng luha sa kanyang mga mata.

I can't blame her, maging ako ay sobrang emosyonal pero higit doon ay sobrang saya, hindi kami makapaniwala na kasal na kaming dalawa.

Napakarami naming pinagdaanan, lamang doon ang sakit at mga hindi magagandang pangyayari. Bilang lang sa daliri ang mga ala-ala at pagkakataon na naging masaya kaming dalawa, kaya naman ngayon ay sobrang nagpapasalamat kami sa Maykapal dahil naging mahaba man ang biyahe, marami mang pagsubok na humarang sa daan namin, sa huli ay ibinigay Niya sa amin ang hinihiling ng mga puso namin.

Naglapat ang paningin naming dalawa, matagal, hanggang sa naramdaman ko na lang na nag-iinit ang mukha ko.

What’s happening?

N-Nahihiya ba ako sa kanya?

Yes, it’s our first night as husband and wife pero kailan pa ako nahiya ng ganito sa kanya?

Fvck!

Napaiwas ako ng tingin kasabay ng pagtayo.

I heard her clearing her throat. Napahawak ako sa batok ko habang pinag-iisipan kung ano ang gagawin.

It’s our freaking honeymoon! At hindi ako papayag na lilipas ang gabing ito sa wala.

Pasimpleng sinusulyapan ko lang siya habang kunwari ay may tinitingnan ako sa cellphone at kitang-kita ko kung gaano kapula ang magkabilang pisngi niya dahilan para mapangisi ako. Halos malaglag pa ang hawak nitong cellphone habang kagat ang labi. Napailing na lang ako dahil natatawa ako sa sitwasyon naming dalawa.

“M-Magsho-shower l-lang a-ako," nauutal na paalam niya sa akin, hindi makatingin ng maayos sa mga mata ko.

“S-sure,” sagot ko. Gusto ko pa sanang dugtungan iyon pero naantala ng tatlong magkakasunod na tunog ng door bell.

Nakita kong mabilis na pumunta sa shower room ang asawa ko habang ako naman ay nagtungo sa pinto upang tingnan kung sino ang nagdoor bell.

“Good evening, Sir Fuentabella. Special delivery from Mr. Thaddeus and Mrs. Hazel Fuentabella,” litanya ng bell boy ng Hotel na tinuluyan namin dito sa Maldives.

It was a 10 hour long travel from Manila to Malé, Maldives. From the Church ay dumiretso na kami sa Saavedra Airlines para bumiyahe patungo rito. Sumabit lang sa amin ang mag-asawang iyon, I mean Thad and Haze for their second honeymoon.

“Please come in.” Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ang bell boy  na may tulak na rolling table.

“Congratulations on your wedding, Sir. Please enjoy your drinks with your wife,” sabi ng lalaki at agad na inilipat sa naroong lamesa ang dalawang kopita at isang bote ng wine.

“Thank you.”

Pagkaalis ng bell boy ay agad akong nagsalin ng wine sa kopita at uminom niyon. I have a thought that my body needs alcohol right now.

But what happened next was very weird.

Bigla na lang nag-init ang buong katawan ko. Na halos mawala na ako sa sarili ko. Namalayan ko na lang na kumakatok na pala ako sa pinto ng shower room kung saan kasalukuyang naliligo ang asawa ko.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon