12

627 42 6
                                    

"Anong nangyari?" bungad na tanong ko kay Cassey pagkapasok sa class room. Lunes na lunes halatang problemado sila.

Sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya at sabay kaming lumapit sa kung ano mang pinagkukumpulan nila doon.

"Ano nagriring ba?" narinig kong tanong ni Megan kay Loree.

"Hindi pa rin, eh." nanlulomong sagot nito habang patuloy sa pagtap sa screen ng phone.

"Anong problema guys?" ulit kong tanong.

"It's Seph." si Meg ang sumagot.

"He's still not answering his phone!" halos ibato ni Loree ang hawak na aparato.

"Ano ba kasing nangyari?" hindi na nakatiis si Cassey kaya siya naman ang nagtanong. Tinitigan namin si Loree, halata sa itsura niya na wala siyang tulog magdamag.

"Hindi daw umuwi si Seph kagabi." si Megan ulit ang sumagot, napatingin ako sa hindi mapalagay na si Loree, nakatukod ang isang siko niya sa kaliwang braso na nakahilig sa tiyan at panay ang kagat sa daliri, her usual uneasy mannerism.

"God. Mababaliw ako kakaisip!" pabagsak na umupo si Loree sa upuan niya.

"Can you please tell us what happened?"

"Remember his problem with his Dad?" maya-maya ay tanong ni Loree sa amin. Sunod-sunod na tango naman ang sinagot namin. Doon pa lang ay nahulaan na namin ang nangyari.

Marahil ay naglayas si Seph dahil hindi na niya matiis ang ugali ng manipulator father niya. Seph is a living robot, controlled and manipulated by his own father. Bata pa lang ay mulat na si Seph sa katotohanan na siya ang magmamana ng kompanya ng tatay niya, lahat ng gusto nito kailangan ay sundin niya hanggang sa pati kung sinong babae ang mamahalin niya ay pinapangunahan nito.

But knowing Joseph de Castro, pagdating kay Loree ay gagawin niya ang lahat, even it means to disobey his father.

Mahihinang iyak ni Loree ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyang pangyayari. Agad naman itong dinaluhan ni Megan at hinimas ang likod. Minsan lang magpakita ng ganitong emosyon si Loree, madalas ay sinasarili niya lahat ng problema, hindi siya sanay na magpakita ng kahinaan sa kapwa, sa ilang taon naming pagkakaibigan, mabibilang lang sa daliri sa isang kamay kung ilang beses siyang umiyak sa harap namin.

"Inaway ko pa naman siya noong Sabado ng gabi, pinaghintay ko siya sa labas ng bahay namin ng ilang oras." pilit pinapakalma ni Loree ang sarili sa kabila ng labis na pag-aalala sa matalik niyang kaibigan. Sa group of friends namin, silang dalawa talaga ni Joseph ang mas close, mas matagal na silang magkakilala at magkaibigan kesa sa amin ni Cassey.

Hindi ko manlang namalayan na masyado palang natuon ang atensiyon ko sa sarili kong problema, habang ako ay umiiyak, nag-eemote dahil sa isang lalaki, heto sila, ang mga kaibigan ko na hindi ako pinapabayaan sa kabila ng kanya-kanya nilang problema.

I feel so selfish, gustong kong saktan ang sarili ko sa pagiging self centered na tao.

"Hahanapin natin siya, Loree." matigas at determinado kong sabi sa kanya. Napatingin naman sa akin ang iba pa naming kaibigan at isa-isang nagsitango.

"Paniguradong nandiyan lang yan sa tabi-tabi. Nagpapalamig ng sitwasyon." ani Megan.

Maghapong wala sa sarili si Loree, halatang nag-aalala siya sa kaibigan. Maski kami din naman ay hindi mapakali lalo at hindi pumasok si Seph sa klase, maghapon din naming nakasama si Jomzel. Hindi ko namalayan na lumalayo na pala siya sa grupo namin, at alam kong may kinalaman kami ni Megan doon. At masaya ako na ngayon ay parang nabuo ulit kami kahit na wala ang isa sa amin. Nadagdagan pa nga dahil hindi humihiwalay sa amin si Blake.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Where stories live. Discover now