2

1.2K 73 9
                                    

Sabi nila kahit gaano ka pa kalugmok, magpapatuloy at magpapatuloy pa din ang buhay. Lilipas ang mga araw, sa ayaw mo man o sa gusto.

Iinog pa rin ang mundo sa paraang nakagawian nito dahil hindi iyon makikisama o hihinto para lamang sa 'yo.

Matapos naming makapag enroll bilang 4th year sa pinakamamahal naming School (Eton High) ay nagkayayaan ang buong Class A na pumunta sa Mall para bumili ng school supplies at kung anu-ano pa. Syempre kumain na din. Ngunit matapos ang araw na iyon ay hindi na ako muling lumabas ng bahay, bagaman at pinipilit ko na maging normal ang bawat araw ay aminado pa rin ako na nagpatuloy ang pagiging emo ko lalo na sa tuwing mag-isa na lang ako sa kwarto, ganoon lang palagi, gigising sa umaga na hindi nawawala iyong pakiramdam na may kulang sa pagkatao ko, kakain, maliligo, magpapanggap na okay, sa gabi ay iiwasang mag-isip ng tungkol sa kanya para magkaroon ng maayos na tulog, paulit-ulit lang iyon hanggang sa hindi ko namalayan na dumating na pala ulit ang pasukan.

Ngayon nga ang unang araw sa eskwela at kung tatanungin niyo ako kung kamusta na ako. Ito humihinga pa naman. Siguro yung iba iisipin na sobrang babaw ko, na sobrang arte ko. Porke't iniwan lang ng lalaki nagkakaganito na. Well, try to put yourselves on my place para malaman niyo kung gaano kahirap. Iyong tipong nagkukunwari kang okay sa harap ng pamilya mo. Kailangan mong sumabay sa pagkain nila, kailangan mong makisama at magpanggap na masaya, tipong nakikitawa ka pero sa loob mo nasasaktan ka na.

Nakakapagtakang hindi manlang nila binabanggit ang pangalan niya. Hindi din pinag-uusapan ang tungkol sa kanila. Pero may hinala ako na sinasadya nila iyon, at hindi na ko magtataka kung alam nila ang pinagdadaanan ko ngayon.

I'm a great pretender, yes. Pero pagdating sa pamilya sadyang wala kang maitatago, kasi kilalang-kilala ka nila.

Sa buong bakasyon ay wala pa rin akong natanggap na tawag o text message kay Kiel, maski sulat na hindi na uso sa panahon ngayon ay pinatulan ko. Halos araw-araw ko din kung tignan ang mailbox sa gate namin, syempre umaasa at nagbabakasakali ako na may sulat siya para sakin, eh. Pero wala, parang gusto ko ng magalit sa kanya, gusto ko siyang sumbatan. Gusto ko siyang pagsalitaan ng masama pero paano? Ni hindi ko nga alam kung paano ko siya cocontact-in. Ibinuhos ko na lang sa pagsusulat sa Diary ang lahat ng nararamdaman ko.

"Salamat Manong." I gave him a short smile before getting out of the car, he just nodded as an answer.

Inayos ko ang uniporme ko bago tuluyang naglakad papunta sa classroom building ng school.

As I reached our classroom's door, I did not forget to put a smile on my face. Of course to pretend that nothing is wrong with me, that I'm okay and happy. Though there's a part of me that is truly happy and excited for the new school year, and of course to meet again my classmates and friends.

"Mikaellaaaaaaa!" napatingkayad ako ng biglang may yumakap sa akin. Hindi ako nakapagsalita, kusa din naman siyang bumitaw at nakangiting humarap sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "At bakit nakasuot ka ng school uniform namin?"

"Isn't it obvious? I enrolled here, and of course we're classmates." nakangiting sabi ni Blake o nakasanayan nilang tawagin sa alyas nitong Buboy.

"Bakit?" hindi ko alam kung para saan ang tanong ko na iyon.

"Anong bakit?" tanong niya.

"Bakit kung kelan naman yata graduating saka mo naisipan na lumipat ng school?" tanong ko sa kanya matapos matigilan ng ilang segundo.

"Wala lang." sagot niya. Napabuntong hininga na lang ako. Wala ako sa mood makipag talo, may hinala ako na kaya siya narito dahil utos ng leader nila. Kung totoo man, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Where stories live. Discover now