28

596 74 46
                                    

Don't skip this note ⤵️

Salamat sa patuloy ninyong pagsama, pagsuporta at pagtangkilik sa kwento ni Mikaella at Kiel Dominic. Sana hanggang dulo ay nandiyan kayo pansin ko kasi na pakonti ng pakonti ang readers at supporters ng kwento.

Iyan lang guys ayoko na habaan masyado kasi alam ko na mainipin ang iba sa inyo. 😭😂

Enjoy reading❣️

28

"May problema ka ba, sis?" kunot noo at bahagyang nakatagilid ang mukha na tanong ni Megan sa akin.

Ito ang ika-anim na araw namin sa Isla ng San Vicente. Akala ko ay makakahinga ako dito sa lugar na ito pero mukhang nagkamali ako dahil simula nang malaman ko na araw-araw kong makakasama ang mga taong iyon, ay hindi na napayapa ang utak ko.

Nahihirapan na naman akong matulog sa gabi, nahihirapan na naman akong magfocus, nahihirapan akong kumain dahil pakiramdam ko ay isusuka ko lang lahat ng ilalaman ko sa sikmura ko.

Napaiwas ako ng tingin kay Megan lalo pa nga at alam kong pinag-aaralan nito ang itsura ko.

"Natutulog ka pa ba?"

"Can you talk with me?" walang emosyon ang mukha na tanong ko sa kanya imbes na sagutin ang tinatanong nito.

"Of course! Tara doon tayo sa sea side." hinila ako ng kaibigan ko patayo.

Hapon na at nakatambay kami ngayon sa buhanginan, may bonfire daw mamaya kasama ang staff ng construction site at iba pang workers doon. Hindi ko alam kung sinong nagpasimuno, hindi rin naman ako interesado at ang totoo ay wala akong planong sumama sa kanila. Gagawa na lang ako ng excuse kesa makasama sila.

"I honestly don't want to talk about it, about my self, about what is happening to me pero alam kong hindi makakatulong sa akin kapag ginawa ko 'yon." panimula ko ng marating namin ang tabing dagat. Tanging liwanag lang na nagmumula sa buwan ang tumatanglaw sa paligid dahil medyo malayo ang lamp post mula sa kinatatayuan namin.

"Do you still love him? Because I know you, and I know that you're still affected." seryosong tanong ni Megan.

"H-hindi ko alam, Megs. Ang alam ko lang ay ayoko ng maging ganito. Saka kita mo naman hanggang dito kasama niya yung babae. Ayoko na din manggulo, hindi ko din naman alam kung anong nararamdaman ko, para kasing.. You know, sa dami ng nangyari hindi ko alam kung worth it pa ba, yes hindi pa sila kasal based on what I've heard pero halatang mahal niya na yung babae. Kinalimutan niya na yung mga pangako niya, eh. Kaya sabihin mo sakin Megs, ano bang dapat kong maramdaman?"

"I can sense that you still have feelings for him. Dahil kung wala na edi sana okay ka lang ngayon, sana hindi ka nagkakaganyan. And you said na kinalimutan na niya yung tungkol sa inyo, seems like you're bitter about the thought. Pero nakikita ko din naman na normal lang siya kapag kaharap ka, baka nga naka moved on na sa 'yo yun. But I think you guys needs closure, really. You wanna talk to him? "

Sunod-sunod akong umiling. "I don' t think I already can. Alam mo naman lahat ng pinagdaanan ko di ba? Nagkaroon pa 'ko ng ganito. Masyado siyang malabo, eh. Nakipag hiwalay pero pinaasa niya rin ako na babalik siya sakin. Anong papaniwalaan ko sa dalawa?"

Natapos ang usapan namin sa isang desisyon. Kailangan kong kausapin si Kiel once and for all. Para na din sa peace of mind ko. And I deserve an explanation, right? Baka iyon lang ang makakapag palaya sakin mula sa pagkakagapos ko sa kanya sa nakaraan naming dalawa.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon