Epilogue (Part III)

572 36 9
                                    

MAY DINAGDAG AKONG PART, YOU MUST READ AGAIN THE WEDDING CEREMONY PART. ❤️

Flashback

"Mabait ka naman pala Kuya Dommy, eh," nakangiting sabi nito sa batang lalaki bagaman mababakas sa mata ng walong taong gulang na babae ang mga luha sa gilid ng kanyang mata.

"Tss. Ikaw lang naman itong palaging masungit sa'kin, eh. Palibhasa 'yong Zachy mo lang ang nakikita mo at palaging magaling sa'yo kaya hindi mo na napapansin ang iba. Saka, wag mo na nga akong i-kuya dahil halos magkasing edad lang naman tayo," patutsada naman ng lalaking bata na nasa edad dose anyos, may katabaan ito.

"Sorry na nga 'di ba? Saka,'wag mo na ngang banggitin ang taong 'yon dahil wala na siya, umalis na," pairap na sabi ng batang babae na nagngangalang Mikaella, sabay cross arms at tingin sa gilid.

"Umalis? Saan pumunta?" tanong ng batang mataba.

"Ewan ko pero sabi ni Lola sa malayo raw!"

"Nalungkot ka naman d'yan, Lala?"

"Hindi no! Bakit naman ako malulungkot na mawala ang taong nagsamantala sa akin? Hmp!"

"Nag—nagsamantala?"

"Oo. I hate him, ninakaw niya ang first kiss ko at..at..," napahikbi ang batang babae ng maalala ang iba pang nangyari..

"At?" naghihintay na sagot ng lalaking bata.

"Ayoko nang alalahanin, Dommy. I'm scared! Ang bad-bad kasi nila!" umiiyak na sabi ni Mikaella kay Dommy o Dominic.

"Sshhh." Naramdaman ni Mikaella na niyakap siya ng batang si Dommy at hinagod sa likod pero sa halip na matakot siya tulad ng naramdaman niya noong si Zachy ang gumawa niyon ay kapanatagan ang naramdaman niya sa mga yakap ni Dommy. "Wag ka nang umiyak, tara ililibre na lang kita ng ice cream para mawala ang lungkot mo." Kumalas siya sa pagkakayakap kay Mikaella at hinatak ito palapit sa nagtitinda ng ice cream.

"Oh, alam ko na 'yan ang paborito mong flavor," nakangiting anang batang si Dominic.

"Paano mo nalaman?"

"'Di ba nakakalaro ko sa basketball ang kuya mo? Kaya palagi kaming magkasama at nalaman ko na may kapatid pala siyang babae na kasing cute mo, iyon nga lang ay matakaw. Mula no'n ay palagi na kitang nakikita at tinitingnan kahit hindi mo ako pinapansin at kung pansinin mo man ako ay pinagsusungitan mo lang naman ako."

"Anong connect ng paborito kong flavor ng ice cream doon?"

"Tss. Ang slow. Palagi kasi kitang sinusundan at lagi kong nakikita na namimili ka ng strawberry flavored ice cream. Lagi pa nga tayong nagkakasabay bumili, eh pero iniirapan mo lang ako o kaya hindi pinapansin," mahaba ulit na sabi ni Dominic.

"Eh, paano naman kasi palagi akong inaasar ng mga kalaro ni Kuya sa basketball at isa ka na ro'n!"

"Oy! Hindi ako nakikisama sa kalokohan nila 'no. Palibhasa kasi ang pagtatanggol lang sa'yo ng Zachy at Zanny mo ang nakikita mo."

"Edi sorry, hmp!"

"Ang sungit mo talaga sa'kin."

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon