Chapter 37

684 45 10
                                    

Muntik ko nang maibato ang cellphone na hawak. The sudden rage of anger, pain, jealous and pain again envelope my whole system.

Napahilamos ako ng walang tubig. Tumingala ako upang pigilan ang mga luha, I am shaking because of mixed emotions.

Kahit masakit ay pilit kong tiningnan isa-isa ang mga picture na pinadala ni Blake sa akin.

Para kong tino-torture sa sakit ang sarili ko.

In the picture was my Ella, with the man I don't trust the most right now.

She's smiling in the picture, they were laughing and looked so happy.

The next pictures was still them together and it looks like there is some white powder all over their bodies. They were laughing and seemed to be having fun.

Halos lahat ng pictures ay si Zachareus ang kasama niya. Mangilan-ngilan lang doon na kasama niya ang mga kaklase nila at mga kaibigan.

Alam kong mahal niya ako.

But still, hindi mawaglit sa isip at imahinasyon ko ang mukha nilang dalawa ni Zachareus na parang masayang-masaya.

Parang wala silang problema.

Halos wala na ako sa sarili habang tinitignan pa ang natitirang mga picture sa compilation ng weekly report sa akin ni Blake.

At ang pinakahuli sa mga larawan ay silang dalawa ulit. Si Ella na nasa ibabaw ng nakahigang si Zachareus sa damuhan, at titig na titig sila sa isa't-isa, parang..parang konti na lang ay magdidikit na ang mga labi nila.

Kung paano nakuhanan ni Blake ng larawan ang dalawa ay hindi ko alam pero mula iyon sa distansya at kung titingnang mabuti ay parang nasa garden sila. I'm not familiar with the place but the landscape reminds me of Forbes Village. Marahil ay namili ng lupa doon si Zachareus at pinatayuan ng bahay.

Mariin akong napapikit at hindi na napigilan ang pagbato ng cellphone ko. Diretso iyong tumama sa pader at halos durog na ang screen ng bumagsak sa sahig.

Doon naman bumukas ang pinto ng aking unit at pumasok si Manang at Thaddeus.

Takang-taka na tinignan nila ako kasunod ang basag-basag na cellphone sa sahig.

"What.. Happened?" may hesitasyon sa tanong ni Thaddeus.

"Nothing, uhm.. Nalaglag yung.. cellphone."

Nakita ko na may binulong si Manang kay Thaddeus at walang paalam na lumabas ito ng unit ko.

Pinindot ni Thaddeus ang button ng wheel chair niya dahilan para umandar iyon at tumigil wala pang isang dipa ang layo sa kinatatayuan ko.

"Anong nangyari, bro?"

"Nothing." nag-iwas ako ng tingin.

"Come one, bro. I know there's something with you, akala mo ba hindi kita naririnig na may kausap tuwing alas dos ng hatinggabi?"

"Tungkol lang sa School." pagsisinungaling ko.

"You can fool yourself but not me."

"Is it about that Mikaella?" napatingin ako agad sa kanya.

"I've heard you whispering her name for a couple of times. You even murmuring her name when you're sleeping. And I'm sure she's also the reason of your phone call every midnight." ilang segundo akong napatingin sa kanya.

Should I tell?

Wala akong ibang napagsasabihan ng bigat sa dibdib ko. Baka.. Pag patuloy ko itong dinala at kinimkim lang ay ikabaliw ko.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Where stories live. Discover now