4

878 56 2
                                    

Okay stop muna sa panonood ng running man at pag-eemote, baka kasi nagtatampo na kayo sa sobrang tagal ng update 😂







4

Madilim ang lugar, hindi ko alam kung nasaan ako.

Naglalakad ako pero hindi ko alam ang patutunguhan. Hindi ko nga din alam kung nasaan ang Silangan at Kanluran, puro kadiliman lang ang nakikita ko.

Sa takot ko ay nagtatakbo ako kahit wala akong makita.

"Tulong!"

"Tulungan niyo ako!" halos mapaos ako kakasigaw.

Ngunit kahit anong sigaw ang gawin ko ay parang walang nakakarinig sa akin maski ang sarili ko.

Ang kaninang takot ko ay lalong umigting. Nanginginig na ako ngayon sa isipin na anomang oras ay baka may humatak sa akin at saktan ako.

Bakit ba ako narito sa madilim na lugar na ito? Anong ginagawa ko at paano ako napunta dito? Ang huling natatandaan ko ay...

"Ella.." agad napaangat ang mukha ko sa tinig na iyon. Nagpaikot-ikot ako ngunit puro kadiliman!

Hindi ako pwedeng magkamali!

Kilalang-kilala ko ang boses na iyon!

At sa wakas ay unti-unting nagkaroon ng liwang sa lugar na kinatatayuan ko. Pabilog ang liwanag na iyon na animo may spotlight na nakatapat sa akin.

"Kiel?!" hindi ako pwedeng magkamali, boses niya iyon. At sigurado ako na tinawag niya ang pangalan ko. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng ganoon.

"Narito ako.." tila nag-eecho ang boses niya sa pandinig ko.

"Saan? Nasaan ka?! Hindi kita makita! Hindi ko mahulaan kung saan nanggagaling ang boses mo!"

"Narito ako.. Sa likod mo." kaagad ay humarap ako sa likuran at nakita ko ang taong ilang buwan ko na din pinananabikang masilayan. Agad akong yumakap sa kanya, gumanti siya ng mas mahigpit na yakap sa akin.

"Kamusta ka na? Bakit hindi mo ako tinawagan? Kelan ka pa nakabalik dito sa Pilipinas?" sunod-sunod na tanong ko.

"I'm sorry Ella.." pagkasabi siya niyon ay naramdaman kong unti-unting naglalayo ang katawan namin kahit hindi naman kami gumagalaw pareho. Parang ang mismong kinatatapakan namin ang kusang naghihiwalay sa aming dalawa.

"K-Kiel?"

"Promise me that you'll wait and trust me whatever the circumstances may come ." nakangiting turan niya sa akin, kakaibang ngiti, ngiti na hindi masaya, hindi dulot ng saya. Ngiti na dahilan ng kalungkutan..at pangungulila.

"I promise.." sa wakas ay nakuha kong sumagot, nagsimulang mag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko sa hindi maipaliwanag na kalungkutan na nakikita ko sa mga mata at ngiti niya.

"I love you Ella. Until our paths cross again, my love." lumuluha siya, nasasaktan siya, hindi lang ako kundi pati siya. All this time akala ko ako lang..

"Until our paths cross again, my future Engineer." napahagulgol na lang ako ng hindi ko maigalaw ang katawan ko para habulin siya. Maski siya ay nakaangat ang isang kamay para abutin ako pero hindi din siya makagalaw. Pareho kaming luhaan at pilit inaabot ang isa't-isa pero tuluyan na kaming pinaglayo ng lupang tinatapakan namin.

Napabalikwas ako ng bangon sa kama. Pawis na pawis ako at hinihingal.

Panaginip.

Hindi ko alam kung masama o magandang panaginip ba iyon. Isa lang ang sigurado ako, nanginginig pa din ako at lumuluha na animo ay totoong nangyari ang panaginip na iyon.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon