15

653 43 20
                                    

Naiwan akong tulala sa loob ng elevator. Hindi makagalaw, sobrang lakas ng kabog ng dibdib. Sumara na ang pinto kanina at ngayon nga ay muling bumukas para sa bagong mga sasakay pero hindi ko na nagawang pansinin. Kung saan-saang floor na ako nakarating sa sobrang lutang. Carmana Plaza has 96 floors and a roof top. Basically, it will take some time to go to your assigned or designated suite or room.

Natauhan lang ako ng biglang nagpatay sindi ang ilaw sa elevator, mga ilang segundo rin.

Kinabahan ako ng sobra.

What happened?

Naalala ko tuloy bigla ang ilan sa mga napanood kong movie kung saan na-stuck sa loob ng elevator ang character.

Mabuti na lamang ay kaagad din iyong tumigil sa pagpatay-sindi dahil ayokong ma-stuck sa loob nito.

Pinindot ko ang floor number namin, ng makalabas sa elevator ay muling nawala sa sarili. Hindi malaman kung anong gagawin.

Should I call the hotel management now? Or should I make a way myself to remove the ants?

"Miks?" napaangat ako ng mukha ng marinig ang pag tawag ni Zachareus.

Kaagad bumakas sa mukha niya ang pagtataka at pag-aalala.

"May problema ba?" hindi agad ako nakasagot sa tanong niya.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Anong problema?" biglang tumulo ang luha ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Kaagad niya akong kinabig papunta sa dibdib niya dahilan para mas lalong mag-unahan sa pagtulo ang masaganang luha sa mga mata ko.

"Can you tell me what happened?" tanong niya ng mahimasmasan ako ngunit hindi ko alam kung anong sasabihin.

Tanging iling lang ang nagawa ko.

"Hmm? What made you cry?"malambing na tanong niya.

"W-wala, Zachy.. A-ano.. Hindi ko alam kung p-paano tatanggalin ang mga langgam."

"Ants? Saan?" kunot noong tanong niya sa akin.

"S-sa kitchen."

Nagbuntong hininga si Zachareus at mataman akong tiningnan. Ilang segundo niyang tila pinag-aralan ang itsura ko bago muling nagbuntong hininga.

Alam kong masyadong lame ang excuse na sinabi ko kung bakit ako umiyak. Pero kahit ako sa sarili ko ay hindi alam kung bakit. Kusa lang tumulo ang mga luha ko.

Pumasok kami sa loob ng hotel room ko at si Zachy na mismo ang naglinis at nag-alis ng mga langgam. Siya na din ang nagtapon ng mga pinagkainan namin kagabi na naging dahilan ng mga langgam.

"Are you hungry?" tanong niya ng maupo sa tabi ko.

"Pwede ba tayong u-uminom, Zachareus?" mababakas ang gulat niya dahil sa tanong ko.

"Bakit, Miks?"

"Gusto ko lang masubukan." pinilit kong ngumiti.

"Miks." kinuha niya ang isang kamay ko at mataman akong tiningnan sa mga mata.

"Sige, kape na lang kung bawal." ilang beses siyang bumuntong hininga.

Alam kong hindi siya tanga para maniwalang walang problema. Gayon pa man ay hindi niya ako pinipilit na magsalita kung anong nangyari.

"Okay, coffee it is." malambing na ngiti niya sa akin matapos ang ilang sandali.

Pumunta ako sa kusina para magtingin kung may kape. Sumunod siya sa akin.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Where stories live. Discover now