49

828 64 43
                                    

'Amazing grace
How sweet the sound
That saved a wretch like me
I once was lost, but now I'm found
Was blind, but now I see..'

Sabay-sabay na pagkanta ng mga taong nasa loob ng isang maliit na Church. Sa hindi kalayuan ay paulit-ulit kong tinatanaw ang isang babae na taimtim na sumasabay sa saliw ng malamyos na worship song. It was Amazing Grace by Pentatonix, based on the screen in front of the pulpit.

'My chains are gone
I've been set free
My God, my Savior has ransomed me
And like a flood, His mercy rains
Unending love, Amazing grace'

Napakaganda talaga niya. Hindi ako magsasawang pagmasdan ang kanyang mukha.

"Ehem.." An old lady cleared her throat and give me a short glance.

Alanganin akong napangiti sa kanya bago inilipat ang paningin sa harapan.

Narinig ko ang mahinang bungisngis ni Hazelle sa tabi ni Thaddeus.

"Please focus on the service." Malumanay na sita sa amin ng katabi kong babae na siguro ay nasa 50's na. Tinutukoy ay ang Sunday service.

"I'm sorry po." Hinging paumanhin ko.

Pinilit ko ang sarili na hindi na muli pang tingnan si Ella kahit pa napakalakas ng hatak niya.

Inanyayahan kami ng Medical team na sumama sa kanila na magsimba kaya naman agad kaming pumayag. Alam ko na hindi magandang magsimba nang distracted sa ibang bagay. Alam ko na dapat ay ibuhos sa Diyos ang atensiyon, dapat handa ang puso at hindi okupado ng ibang bagay ang isip kaya naman pinilit kong ituon sa gawain ang aking atensiyon.

'Lord, I only want her. Kung hindi rin lang siya, huwag mo na lang akong bigyan ng iba. I can't see myself with another woman, only with her, only Mikaella. Please help me to pursue her, blessed her and open her heart again for me, buksan Mo po ang puso niya para pakinggan ako, para bigyan ako ng isa pang pagkakataon. Please, Lord. I promise not to waste the chance again like what I did before.'

"We are leaving, bro."

"Yeah.." sagot ko sabay lingon sa kaninang kinauupuan ni Ella pero agad akong nabahala nang hindi ko na siya nakita roon.

"They are already outside." Tila nahulaan ni Thaddeus ang nasa isip ko.

Tumango ako at sinundan siya palabas ng Church.

Sa ikalawang pagkakataon ay agad na hinanap ng mata ko si Ella pagkalabas namin at napigil ang paghinga ko dahil nakatingin din pala siya sa akin.

Napalunok ako at mag-iiwas na sana ng tingin nang makita kong ngumiti siya.

NGUMITI SIYA!

NGUMITI SIYA SA AKIN!!

Nanlalaki ang mga mata at nanginginig ang labi na ngumiti ako pabalik sa kanya, nakita ko pa ang pag-iling niya bago ako bungguin ni Cayl sa braso.

"Para kang natatae, dude!" natatawang sabi niya.

"Sasama kayo sa amin?" tanong no'ng isang Doctor.

"Saan, Doc?" si Hazelle.

"Kakain ng lunch doon sa nadaanan natin kanina na sea food diner."

Tumingin sa akin ang tatlong kasama ko bago sabay-sabay na tumango.

"Sure!" Hazelle answered.

Sabay-sabay nga kaming pumunta sa sinasabi nilang kainan, at kahit tirik na ang araw ay naglakad lang kami dahil ayon sa kanila ay hindi naman daw malayo ang pupuntahan namin.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Where stories live. Discover now