51

874 68 20
                                    

A/N: Ang tagal marelease sa Novelah nitong Chapter 51 kaya ilalagay ko na lang muna rito. Pagsasabay-sabayin ko na lang yung Chapters 52-55. Mabibitin kayo dito kaya kung ako sa inyo wag niyo munang basahin. 😭

"Ano yang sinusulat mo, pre?" awtomatikong naitago ko sa ilalim ng unan ang notebook na pinagsusulatan ko.

"Where's your manners?" inis na tanong ko kay Cayl.

"Your door is slightly open, dude."

"I told you to knock first before entering my room."

Napailing na lang ako bago tumayo at lumabas ng sariling kuwarto.

Ngumisi lang ito, halatang nang-aasar. Kaya noong nakaraan ko pa pinag-iisipan na humiwalay sa kanila, eh dahil nawawalan ako ng privacy.

Next week ay babalik muna sa Manila si Thad at Haze dahil na rin sa request ni Mom.

"Putcha ang corny ng isang Fuentabella!" palahaw ni Cayl noong nasa living room na kami. Thad and Haze are watching movie, panay ang nguya ng huli.

Ibinagsak ni Cayl ang kanyang katawan sa couch dahilan para maagaw niya ang pansin ng dalawang nanonood.

"What's your problem?" iritadong tanong ni Hazelle.

"Wala naman. May nakita lang akong nakakatawa." sinundan nito iyon ng isang halakhak. "Ganyan ba talaga kayong mga Fuentabella? Ang kokorni niyo!"

Sinamaan ko siya ng tingin habang 'yong love birds naman ay kunot na kunot ang noo.

"Ramdam ang pintig ng pulsong kasabay ng sa iyo.

Dama ang simoy ng hanging lumalaro sa buhok mo..

Sa ilalim ng milyong bituin, yakap ka sa bisig ko.

Narinig ng buwan, isinisigaw ang pangalan mo.

Mga pusong sumasayaw sa saliw ng iisang ritmo.

Hawakan mo ang kamay ko, oo yakapin rin ako.

Huwag mong bibitawan, hanggang sa dulo, mahal ko."

Laglag ang panga ni Thaddeus at Hazelle sa ginawang pagtula ni Cayl samantalang ako ay halos patayin na siya sa tingin. Muli itong humalakhak na parang siraulo.

"Really, huh? Kailan pa naging makata si Kiel Dominic Fuentabella? The last time I checked he's a fvcking asshole gangster."

"Hey, that's too much, Cayl!" sita ni  Hazelle sa pinsan niya.

"You should shut your mouth now, dude." nakangising sabi ni Thad kay Cayl. Marahil ay nakita nito kung gaano kasama ang tingin ko sa lalaki.

"You did that, Nic?" kuryosong tanong naman ni Hazelle. Napakalaki ng pagkakangiti.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng hiya. Alam ko sa sarili ko na ang corny nga no'ng ginawa ko. Hindi na uso ang mga ganoong bagay ngayon pero tuwing may magandang nangyayari sa amin ni Ella ay bigla akong napapasulat sa notebook kapag nakauwi na ako at hindi ako nakakatulog hangga't hindi ko 'yon nagagawa. But to be honest, it was supposed to be a song, nagmukha lang tula.

"Damn, bro you' re blushing!" kantiyaw ni Thaddeus sa akin na sinundan ng tawa ng magpinsan.

Napailing na lang ako at bumalik sa sariling kuwarto. Dinig na dinig ko pa ang pinag-uusapan nila. Tinatanong ni Thad kung paano nasaulo ni Cayl 'yong sinulat ko. Syempre nagyabang naman ang g*gong Cayl at pinagmalaki na henyo siya.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon