13

610 37 0
                                    

Vancouver is located on the mainland of North America, in the south-west corner of British Columbia, the westernmost of Canada's 10 provinces and three territories.

I sighed, then bitter smile curved on the corner of my lips as I let my eyes wander on the people walking with their pets on the park.

Vancouver, British Columbia of North America, here I come!

Although hindi ko maintindihan kung bakit naging sa Canada na imbes na sa USA. Hinayaan ko na lang si Zachareus, siya ang mas nakakaalam, he have his ways at alam kong makikita ko na din sa wakas ang taong gustong-gusto kong makita at makausap.

Kamalayan ko ba naman kasi sa North America? Napakalaking lugar naman pala kasi nito at binubuo pa ng iba't-ibang bansa. Habang nasa Airport pa nga lang sa Pilipinas bago ang biyahe ay ilang oras din ang naubos ko sa pagsasaliksik tungkol sa lugar na ito pero nahilo lang ako, sa Manila nga lang ay maliligaw pa ako, dito pa kaya na banyaga ako?

We choose NAIA over Saavedra Airlines for some reason.

I’m so confused right now, America ang sinabi ni Kiel noon, iyon naman pala ay Canada, hindi ba niya alam na independent na bansa ang Canada? Although sa North America ito matatagpuan, parang hindi pa rin tama na America ang sabihin 'di ba? Ano yun, baka may sudden change of location? Alam ko talaga sa US ooperahan si Kyla, anong nangyari? I'm curious, matalino si Kiel kaya panigurado naman na alam niya ang tungkol doon. Ako lang naman itong wala talagang alam sa mga lugar eh kahit pa sinasabi nilang matalino ako sa klase. Kung ano man ang dahilan ay gusto kong alamin.

Pagkababa pa lang ng eroplanong sinakyan ay binalot na ako ng kakaibang temperatura. Based on what I've searched on Internet, September is for Autumn season here, the season between summer and winter kaya masarap sa pakiramdam ang panahon, hindi mainit at hindi rin malamig pero sa katulad kong laki sa Pilipinas, ang 18 degrees Celsius dito ay malamig na kaya naman naisip ko na mabuti pala at naka sweater ako lalo pa nga na napaka lamigin kong tao.

Vancouver International Airport.

Napabuga ako ng hangin sa pinaghalong kaba at excitement ng mabasa ang nakasulat na iyon sa isang flyer na iniabot sa akin ng isang Canadian girl kung saan ine-endorse ang isang malapit na hotel na pwedeng tuluyan ng mga tourists.

Vancouver is easily the most beautiful city in Canada. With mountains to the north, the Pacific Ocean to the west, and the enormous Stanley Park right downtown, the city's landscapes are jaw-droppingly gorgeous.

Wala yatang iresponsable dito, napakalinis ng mga daan at kahit sibilisado na ang lugar ay may mga puno pa rin at halaman kahit saan ka tumingin.

Madalang din ang nakikita kong sasakyan dahil karaniwan sa mga tao ay naglalakad, napaisip ako, parang masyadong health conscious ang mga tao dito dahil mas pinipili ng ilan na maglakad kahit halos lahat naman din ay may sasakyan.

Once again, this is it. Yes this is it, really.

Napatingin ako kay Zachy nang paluputan niya ng manipis na scarf ang leeg ko. Hindi naman ako nilalamig pero malapit ng maghapon kaya panigurado na mas magiging malamig ang klima, kakapasok pa lang din kasi ng ber months.

Sa totoo lang, hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin ako makapaniwala na ilang milya ang layo ko sa lugar na kinalakhan ko.

Wala naman masyadong nangyari sa nakalipas na mga linggo, inabala ko ang sarili ko sa pag-aaral. As possible, ginagawa kong productive ang araw ko, papasok ng maaga sa school, sasama sa mga kaklase st kaibigan ko na mag-lunch sa canteen, pagkatapos ng klase ay tumatambay ako sa library para mag-aral, madilim na din sa tuwing uuwi ako sa bahay, hindi ko na nakaka-bonding ang pamilya ko.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Where stories live. Discover now