46

550 51 13
                                    

Mula noong dinner ay hindi ko na nakita pang muli sa malapitan si Ella gayong nasa iisang Isla lang naman kami. Halata naman na umiiwas siya dahil ayon kay Hazelle ay agad umaalis si Ella sa tuwing pumupunta siya doon sa tent ng Medical Team.

Nakikita ko siya, bawat galaw niya, bawat pilit na ngiti niya, bawat pag-aasikaso niya sa mga pasyente. Sobrang proud ako sa kanya, napakagaling niyang mag-alaga ng pasyente.

Nakikita ko siya, mula sa malayo, sa pamamagitan ng binocular.

Napahilot na lang ako sa sentido habang nakapikit. Sumasakit na ang ulo at mata ko sa kakasilip sa binocular na ito. Nagtataka na nga rin ang mga manggagawa dahil halos maghapon akong nasa lift at tutok nga sa binocular na ito.

"Bro, lunch lang kami ni Sweet." paalam sa akin ni Thaddeus noong pagkababa ko ng lift.

"Sure." tipid kong sagot sa kanya, nakakahilo iyong ilang oras kong pananatili sa lift na iyon para lamang makita ko si Ella. Muli akong napahilot sa sentido nang maramdaman ang pagsigid ng kirot sa bahaging iyon ng ulo ko.

"Yan kasi silay pa." pang-aasar sa akin ni Thaddeus na hindi ko naman pinansin. Naglakad lang ako papunta sa mismong pagtatayuan ng Hospital, on going pa lang rin ang paghuhukay doon dahil hindi nga ganoon kadali na mahanap ang matigas na bahagi ng lupa.

Pinagmasdan ko ang tatlong excavator na siyang ginagamit sa paghuhukay.

Kailangan kong magfocus sa trabaho ko dahil baka magkaroon ng problema pero hindi ko rin naman mapigilan na pumunta doon sa lifter machine para sumilay kay Ella.

"Engineer may naaksidente raw po doon sa ginagawang clinic!" humahangos na sabi ng isang construction worker. Agad akong kinabahan at sumunod sa kanya papunta sa nasabing lugar, nasa tabi lang naman iyon ng gagawing hospital, kailangan talaga na gumawa niyon para may pansamantalang pagamutan para sa buong Isla habang on going pa ang construction ng Hospital.

Pagkarating sa site ay hindi ko inaasahang makikita si Ella at ang isa pang nurse na lalaki.

"How about your Head Engineer?" naabutan kong tinatanong ni Ella sa mga gumagawa doon.

"Why are you looking for me?" tanong ko sa kanya, mabilis na mabilis ang tibok ng puso ko dahil nasa harap ko lang siya.

Nakita ko kung paano siya magulat dahil sa boses ko.

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin, alam ko na magkakasalubong ang mga paningin namin kaya naman tinuon ko ang mata ko doon sa male nurse na nagbibigay ng first aid sa isang empleyado.

"What happened here?" baling ko naman sa mga manggagawa.

"Oh my gosh bakit ang daming dugo sa damit?!" doon naman dumating sila Hazelle na alam ko ay on break pero mukhang nakarating agad sa kanila ang balita na may naaksidente sa isa sa mga manggagawa namin kaya agad pumunta dito.

"Aksidente, Safety Engineer Guevarra. Nabagsakan ng hollowblock sa ulo." narinig kong sabi ng isang lalaki, siguro ay nag-usisa agad si Cayl bilang siya ang safety Engineer.

"Teka, bakit nabagsakan ng hollowblock sa ulo?" tanong niya, kasalukuyang kinukuhanan ng litrato ang sugat na tinamo ng lalaki para sa gagawing report. "Wala kang suot na hard hat?" dagdag tanong pa niya.

"Hinubad ko, Engineer dahil mainit ang singaw." sagot ng naaksidenteng lalaki.

"But you already went to orientation about safety, right?" tanong ni Cayl sa kanya.

"Nahihilo kasi ako, Engineer dahil sa init."

"Then it means that you're not fit for this job." I said that caught him off guard, hindi siya agad nakapagsalita. Marahil ay naisip niyang tama ang sinabi ko.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon