Kabanata 15

163 5 0
                                    

Nawala ang antok ko dahil sa walang kwentang tawag ni Valentine. Naligo na lang ako at nagbreakfast. Kasabay ko si manang. Pinapangaralan na naman niya ako tungkol sa pag iwas ko kay Mommy.

Ilang linggo ko na rin kasing iniiwasan si mommy. Sinisigurado ko talaga na hindi kami magkikita kahit na nasa iisang bahay lang naman kami nakatira. Maaga akong umaalis ng bahay tuwing may pasok. Tapos sinisigurado ko na nasa kwarto na ako bago siya umuwi galing sa botique niya. Di rin naman nakikialam si Tito Samuel sa amin.

Ewan ko ba, naiinis kasi ako sa tuwing nakikita ko siya. Nakakawala ng gana, nakaka-badtrip at nakakasira ng araw.

"Bakit hindi mo kasi kausapin ang Mommy mo?" Ani manang.

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Para saan pa po?"

"Para magkaayos kayo." Mahinahong sagot ni manang.

Magkaayos? Tss! Magkakaayos pa kaya kami? Hindi ko alam. Sa laki ng kasalanan niya sa akin? Hindi ko talaga alam kung may maaayos pa ba.

Lumaki akong sabik na sabik sa pagmamahal at atensyon ng mga magulang ko. Pero kahit minsan, hindi ko naramdaman ang mga iyon.

I ended up begging for someone's attention. Kaya noong ipinaramdam sa akin ni Gael 'yon ay hindi ko na pinalampas.

Oo, hindi ako nakuntento sa ibinigay nila Lolo at Lola. Alam kong pakunswelo na lang iyong mga materyal na bagay na ibinibigay nila sa akin, para kahit papaano ay mapunan nila iyong mga pagkukulang ng mga magulang ko.

Pero hindi, eh.

Hindi ko na lang pinansin iyong sinabi ni manang. Ipinagpatuloy ko na lang iyong pagkain ko. Buti na lang maagang umalis sina Mommy at Tito Samuel ngayon.

"Ate, will you celebrate your birthday with us?" Tanong ni Sean. Nanonood kami ng Into the woods ngayon dito sa sala.

Isinubo ko muna sa bibig ko iyong caramel popcorn na inihanda ni manang bago ko sinagot ang tanong ni Sean.

"I don't know, Sean. Maybe I'll treat you and Simon na lang." Sabi ko habang ngumunguya.

"How about Mom and Dad?"

"They're too old for birthdays Sean." Singit ni Simon. Hanggang ngayon nasa kanya parin ang laptop ko. Mamaya kukunin ko iyon dahil magbababad ako sa internet para makatulog.

Hindi na umimik si Sean. Ayaw niya kasing makipagtalo sa kakambal niya dahil alam niyang matatalo lamang siya. Bilib nga ako dito kay Simon kasi parang matanda na kung makapagsalita.

Nang natapos na ang pinapanood namin ay ibinalik ni Simon ang laptop ko. Kaya ni-charge ko iyon para magamit ko mamaya. Ipagpapatuloy ko na lang iyong na udlot kong pagtulog. Ipinansak ko sa aking tainga ang earphones ko and drifted of to sleep.

Past 5 na nang magising ako. Agad kong tiningnan kung na-fully charge na ba ang laptop ko. In-on ko ito at nag-log in agad sa Facebook.

Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ko. Si Gael, tumatawag. May mensahe rin akong nakita pero inuna kong sagutin ang tawag ni Gael.

"Yes, babe?" bungad ko. Humihikab pa ako habang nagtatype ng username at password sa Facebook.

"I'm worried. Hindi ka kasi nagparamdam simula pa kanina."

Napatampal ako sa aking noo. Ang dami ko kasing iniisip. Nakalimutan kong magtext kay Gael.

"Sorry, babe. Sorry talaga. Ang dami ko kasing iniisip. Sorry."

Bumuntong hininga si Gael sa kabilang linya. "It's okay. May problema ka na naman ba? Nag-away na naman kayo ni tita?"

Nakaka-guilty. Kasi hindi naman iyong tungkol sa amin ni Mommy ang iniisip ko kundi iyong si Valentine. Hanggang ngayon kasi hindi parin kami nagpapansinan. Tapos bigla pa siyang napatawag kanina para sabihin lang na ''wrong number'' iyong tinawagan niya.

HelainaWhere stories live. Discover now