Kabanata 16

136 6 0
                                    

Nakaakbay sa akin si Gael habang naglalakad kami. Dumaan pa kami sa harapan nila Valentine at Charmaine. Nagulat na lang ako nang lumapit si Gael kay Valentine at tinapik niya ito sa braso.

"Sasabay ba kayo sa amin, bro?" Tanong ni Gael. Tiningnan ko si Charmaine. Nakahalukipkip siya at nag-iwas ng tingin sa amin.

Awkward. Super. Alam kong hindi na sila nagulat nang mag-leave ako sa group chat nila. Alam naman siguro nilang dahil iyon sa treatment nila sa akin.

"Hindi, bro. Kasama ko sina Charmaine." Kaswal na sagot ni Valentine.

Luminga linga si Gael. Kaya napatingin ako kay Valentine. Nagtagis ang kanyang mga bagang nang magtama ang mga tingin namin. Napakagat labi ako ng makita kong bumaba ang tingin niya sa leeg ko.

Ay shit! Ang hickey! Kaya pasimple kong hinawakan ang buntot ng buhok ko at inayos iyon para takpan ang dapat na takpan.

Ibinalik niya ang tingin niya sa mukha ko. Nagkatitigan kami saglit bago nagsalita si Gael.

"May hinihintay pa ba kayo?" Bumaba ang kamay ni Gael sa bewang ko. Hinawakan ko ang mga iyon habang nakatingin parin ako sa kay Valentine.

Tumango ng marahan si Valentine. Nakita kong napalunok siya. "Oo, sina Nes."

"Ano, una na tayo sa loob?" Baling ni Gael sa akin.

"Okay."

Bumaling ulit si Gael kay Valentine. "Pano, una na kami. Kita na lang tayo doon sa loob."

Tumango lang si Valentine habang pinaglalaruan niya ang susi ng sasakyan niya.

"Sige, Charm. Una na kami." Ani Gael. Hindi man lang pinansin ni Charmaine iyong sinabi ni Gael.

Tumalikod na kami ni Gael at magkahawak-kamay na naglakad patungo sa loob ng Hybrid. Hindi ko na nilingon sina Valentine.

Ba't ba kasi ganun ang trato nila sa akin? Pati kay Gael na wala namang ginagawang masama sa kanila.

"Ba't di yata kayo nagpapansinan ni Charmaine?" Tanong ni Gael.

Nagkibit balikat ako. Hindi ko naman rin kasi alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya.

"Bro!"

Narinig kong tawag ni Josh nang makapasok kami sa loob. Parang inaabangan niya talaga kami. Napakunot ang noo ko ng binitawan ni Gael ang kamay ko nang makalapit kami sa table nila Josh. Nagfistbump sila at nagtapikan ng mga braso. Ganun din ang ginawa ng iba pang kasama ni Josh kay Gael.

"Hi Helaina!" alanganing bati ni Josh sa akin. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya. Ikinawit ko ang braso ko sa braso ni Gael. Napatalon pa nga siya, nagulat ko siguro.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama ni Josh. Nagulat ako kasi nandito si Michelle. Mataman siyang nakatingin kay Gael. Hindi nga niya napansin na nakatingin ako sa kanya.

"Bro, no alcohol for Helaina." Narinig kong sinabi ni Gael kay Josh.

"What? Seriously, babe?" angal ko.

Matalim lang na tingin ang isinagot sa akin ni Gael. Napangisi naman si Josh habang tinatapik si Gael sa balikat.

Napanguso ako. "Ba't mo pa ako isinama dito kung hindi mo rin lang naman ako bibigyan ng maiinom?"

"Fruit juice na lang muna sa'yo."

FRUIT JUICE? Tss! Para naman akong bata sa fruit juice! Ba't ba naging killjoy ang boyfriend ko?

At ayun nga, um-order ng fruit juice si Josh. Nakangisi pa siya habang umiiling. Sinamaan ko nga ng tingin nang inabot niya iyon sa akin.

Nakaka-out of place naman dito. Nagtatawanan silang lahat dahil sa mga hirit ni Josh. Tahimik lang akong nakahalukipkip na nagmamasid sa kanila. Dumako ang tingin ko kay Michelle. Napataas ang kilay ko dahil ang lalagkit ng tingin niya sa boyfriend ko. Kanina pa 'to ah? Don't tell me pinagnanasaan niya si Gael?

HelainaWhere stories live. Discover now