Kabanata 8

223 9 0
                                    

Nasa daan na kami pauwi. Hindi kami nagtagal doon sa Dahican. Medyo late na rin kasi tapos babyahe pa kami. Dito ako sa likod nakaupo katabi sina Nes at Cyril. Si Charmaine naman ay nasa harap at nakikipagkwentuhan kay Valentine.

"Hindi ka ba napagod?" tanong sa akin ni Nes.

Tumango ako. "Medyo lang." thank God at hindi na masakit ang ulo ko.

Napailing si Nes. "Tingnan mo si Charm, walang kapaguran." sabay kaming natawa ni Cyril.

"Narinig ko 'yon!" singit ni Charmaine.

"Kung katabi mo ba naman ang crush mo, siguradong hindi ka mapapagod." tukso ni Cyril.

"Huwag niyo nga akong ibuking." depensa ni Charmaine. Napahagikhik tuloy kaming tatlo dito sa likod.

Napailing na din ako. I'm pretty sure na lumaklak ng sangkatutak na energy pill itong si Charmaine para maging ganyan ka energetic. Napasulyap ako sa gawi ni Valentine. I wonder kung may girlfriend ba ang lalaking ito. Siguro meron. Sa hitsura at sex appeal ba naman niya, imposibleng wala.

Naalala ko tuloy si Gael. Hindi ko pa siya tinetext sa araw na ito. Medyo nagtatampo pa kasi ako sa ginawa niyang pagsisinungaling kahit na hindi niya alam na alam ko kung ano talaga ang ginawa nila kahapon.

"Ituro mo sa akin 'yong sleeping dinosaur, Val, ha?" malambing na sabi ni Charmaine.

"Sure, malapit naman rin tayo doon." nakita kong sumulyap si Valentine sa rear view mirror at inirapan ako. Kahapon pa 'to ah. Ano kayang problema nito sa akin?

Bahala ka diyan. May pairap irap ka pang nalalaman, tusukin ko 'yang mga mata mo, eh. Humilig ako sa balikat ni Nes. Mas mabuti pang matulog na lang na muna ako. Baka masira pa ni Valentine ang araw ko.

Nagising ako na madilim na ang paligid. Kinusot kusot ko ang mga mata ko habang tumitingin sa labas. Papunta 'to sa bahay namin ah? Ako ang unang ihahatid? Obviously, ako nga.

"Laine, pwede bang sa inyo na lang kami mag dinner?" tanong ni Charmaine habang humihikab.

Nagkibit balikat ako. "Sure." para hindi na rin ako talakan ni Mommy. Mag aalburuto na naman 'yon kasi hindi ako nagpaalam sa kanya, tapos hindi pa ako nagrereply sa mga texts niya.

Ipinark ni Valentine ang kotse niya sa unahan ng isang kulay itim na sasakyan na naka-park rin sa labas ng bahay namin. Kanino kayang sasakyan 'yon?

Nauna akong lumabas kina Cyril at Nes. May inaayos pa kasi sila sa gamit nila. Sumunod naman si Valentine at Charmaine.

"Babe.." napalingon ako kay Gael. Kakababa niya lang sa sasakyan na tinutukoy ko kanina. Lumapit siya sa akin at ginawaran ako ng halik sa labi.

"Ba't nandito ka?" tanong ko.

"I was worried. Di kasi kita ma-contact. Di ka rin nagrereply sa mga texts ko." aniya.

"Lowbat ako." I lied. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Talagang sinadya kong i-off 'yon.

Kumalampag ang sasakyan ni Valentine. Lumabas galing doon si Cyril at Nes na hindi man lang tinatapunan ng tingin si Gael. Tiningnan ko si Valentine at Charmaine na nakamasid lang sa amin.

"Si Valentine nga pala." turo ko kay Valentine na seryosong nakatingin sa amin ngayon.

"Hi, Gael!" bati ni Charmaine.

Tumango lang si Gael kay Charmaine.

"I know him." aniya tapos inakbayan ako. "Hindi ka pala nagpaalam sa Mommy mo?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Nabasa niya siguro ang reaksyon ko kaya nagsalita ulit siya.

"Kanina pa kasi ako pabalik balik dito. Nagkausap kami. Kaya 'yon, nasabi niya sa akin na hindi ka na naman daw nagpaalam." aniya.

HelainaWhere stories live. Discover now