Kabanata 2

350 10 2
                                    

"Laine!" tawag sa akin ng kaibigan kong si Charmaine. Nagmamadali siyang tumawid ng kalsada at tumakbo papunta sa akin at dinamba ako ng yakap. Muntik ko pang mabitawan ang bag ko.

"I miss you too, Charm." sabi ko habang niyayakap siya pabalik. Napangiti ako nang marinig ko ang nanunuyang halakhak niya.

"I miss you too ka dyan? Hindi kita namiss, noh!" aniya. Kita mo tong babaeng 'to. In denial pa. Napailing na lang ako sa sinabi niya.

Isa si Charmaine sa mga naging kaibigan ko dito sa school. Magkaklase kami noong 2nd year. Siya 'yong unang nag-approach sa akin noon. Transferee kasi ako dito sa school. Napili ko ang school na ito dahil sa uniform nila. Kulay pink kasi ang palda tapos may kulay pink din na neck tie. Kikay na kikay lang ang dating. Maganda din naman ang kalidad ng pagtuturo nila dito sabi ng mga kakilala kong nag-aaral din dito.

"Ba't ang haggard mong tingnan? Namumutla ka pa." ani Charmaine.

"Talaga?" tanong ko. "Nag-Hybrid kami kagabi. Tapos late na kong nakauwi."

"Kaya pala. Buti hindi ka pinagalitan ni tita." aniya.

Tss, kung alam mo lang Charm.

"Alam mo namang wala akong pakialam kung magalit man sa akin si mommy."

Nagkibit balikat na lang siya sa sinabi ko. Alam din kasi ni Charmaine na hindi kami magkasundo ni mommy. Minsan kasi pumupunta siya sa bahay namin para mag group study. Nasaksihan niya 'yong pagtatalo namin ni mommy. Panay ang tanong niya kung bakit ganoon na lang daw ako sumagot sagot kay mommy. Kaya yun, napilitan akong magkuwento sa kanya.

Nakita ko kaagad si Gael pagpasok namin sa gate. Mag isa lang siyang nakatayo sa gilid ng guard house. Sinalubong niya agad ako ng yakap nang makita niya ako.

"Ang laki ng eyebags mo, babe." naka-ngising sabi niya. Napanguso ako at kinurot ko siya sa braso. "May hang-over ka ba?"

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya. Ang bango-bango talaga ng lalaking 'to.

"Medyo masakit nga ang ulo ko." sabi ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap niya sa'ken at hinalikan ang noo ko. Nakita kong may kinuha siya sa bulsa niya. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay niya ang isang maliit na plastic na may naglalaman ng mga tabletas.

"Nagbreakfast ka ba?" tanong niya. "Inumin mo 'yan. Para mawala na 'yang hang-over mo."

Napangiti ako sa sinabi niya. Isa ito sa mga bagay na nagustuhan ko kay Gael. Napakama-alaga niya kasi. Hindi niya rin ako pinagbabawalan sa mga bagay na gusto kong gawin. Tulad na lang ng pagsama ko sa mga gimik ng barkada. Kilala niya rin naman kasi 'yong mga kasama ko sa tuwing gumigimik ako. Pero may limitasyon ako.

Tumikhim si Charmaine sa gilid ko. Napalingon kami ni Gael sa kanya.

"Ang sweet niyo naman. Huwag kayong masyadong PDA, noh. Tapos na ang Valentine's Day at nasa school po kayong dalawa." halakhak ni Charmaine. "Infairness, nakaka-bitter kayong dalawa, ha."

Lumapit si Gael ng naka-ngisi sa kanya at inakbayan siya.

"Huwag kang maging bitter, Charm. Makakahanap ka rin ng kapalit doon sa gago mong ex." sabi ni Gael. "Gusto mo bang ipakilala kita sa mga teammates ko?"

Kaka-break lang kasi ni Charmaine at nung boyfriend niyang si Michael. Nahuli niya kasing may kalandiang iba 'yong gago na 'yon. Sayang lang kasi loyal pa naman si Charmaine sa kanya. Ba't ba kasi may mga lalaki pang nangangaliwa kahit na committed na sila? Ba't ba hindi nila magawang makunteto sa karelasyon nila?

"Huwag na, noh. Salamat na lang." ani Charmaine at inalis ang braso ni Gael sa pagkakaakbay sa kanya. "Pahinga muna ako sa lovelife lovelife na 'yan."

HelainaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon