Kabanata 25

109 4 1
                                    

Pinili kong mapag-isa ngayong araw ng birthday ko. Yes. Alone. But I made a promise with the twins na i-tetreat ko sila next week.

Kanina nung natutulog pa ako ay panay ang tunog ng cellphone ko. Text and phone calls galing sa mga kaibigan ko na nakaalala sa birthday ko. Pati nga rin si attorney Vasquez ay bumati din sa akin.

Nakakatuwa kasi naalala nila ang birthday ko kahit na hindi ko naman talaga sinabi sa kanila. Ni hindi naman talaga ako nag-cecelebrate ng birthday, eh. Nung buhay pa sina lolo at lola ay kumakain lang kami sa labas.

Nag-greet rin nga pala sa akin si Valentine kanina. Natawa nga ako kasi siya ang pinakaunang tumawag sa akin kaninang madaling araw.

Uminit talaga ang ulo ko nung tumawag siya kasi ang himbing na ng tulog ko nun, eh. Pero napabuntong hininga na lang ako nang marinig ko ang nauutal niyang malat na boses. Kinantahan nga rin pala niya ako ng happy birthday.

Si Gael? Nag greet din naman siya. Niyaya niya pa akong kumain sa labas pero tinanggihan ko siya.

Sabi ko na gusto ko munang mapag-isa. Naintindihan naman niya yung rason ko. Hindi pa rin nga pala kami nakakapag-usap tungkol sa relasyon namin.

PINAGPAG ko ang suot kong maong shorts bago ako umupo sa damuhan. Inalis ko iyong mga tuyong dahon na nasa gilid ng lapida.

"Hi lolo, hi lola!" Bati ko sa kanila. "Birthday ko nga po pala ngayon. Siyempre, alam ko namang alam niyo yun. Happy birthday to me!" Nakangiti kong sabi. "Alam niyo po, nakipagkita nga po pala sa akin si Mr. Senando Gestuvio. Kilala niyo siya 'di ba? Medyo naiinis ako sa mga sinabi niya sa akin. Nagkita na pala kami nung bata pa ako? Ba't wala po akong maalala? He asked me kung mahilig pa ba ako sa ice cream. All time favorite ko yun 'di ba?"

Napatitig ako sa lapida nila. I smiled bitterly at naramdaman ko na lang na nag-uunahan na ang mga luha ko sa pagtulo.

"Sorry po." Sabi ko habang pinapunasan ang mga pisngi ko. "Hindi ko po alam kung bakit ako umiiyak." Shit! "I should be happy right now 'di ba kasi birthday ko? Hindi naman ako masaya, eh. Ang dami ko pong problema. Kay mommy, kay Senando, kay Gael, sa mga kaibigan ko at kay Dominic din po."

Napagod na ako sa kakapunas ng mga luha ko kaya hinayaan ko na lang sila. Nagpasalamat ako kasi ako lang ang tao ngayon dito sa kung saan banda nakalibing ang lolo at lola ko.

Hindi ko napigilang mapahagulhol. Ang sakit-sakit na kasi. Nasasaktan ako dahil hindi man lang magawa ni mommy ang mag-effort na mapunan ang pagkukulang niya sa akin. Nasasaktan ako dahil ngayon lang nakipagkita iyong daddy ko sa akin. Nasasaktan ako dahil nagawa akong gaguhin ni Gael, nasasaktan ako dahil hindi ako maintindihan ng mga kaibigan ko.

Gusto kong magpahinga sa lahat ng 'to. Pero hindi ko alam kung paano.

"Helaina.." nanigas ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko si Valentine na malamig ang tingin sa akin.

"Why are you here?" Inis kong tanong. "Sinusundan mo ba ako, ha, Valentine?!" Nakita kong nagtagis ang mga bagang niya kahit na medyo nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha na patuloy sa pagtulo.

"May binisita ako dun." Turo niya sa di kalayuan. "I heard someone cry kaya pumunta agad ako dito. Di ko inakala na ikaw pala yun."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko.

"You can leave now." Malamig kong sabi. Hindi siya sumagot kaya nilingon ko ulit siya.

"I said, leave!" Ulit ko. Inirapan niya lang ako at umupo siya sa gilid ko. Aba't!

HelainaWhere stories live. Discover now