Kabanata 10

234 7 0
                                    

Di parin ako maka-move on sa That Uptight Man >,<

-----------

Napairap ako sa kawalan nang marinig ang boses na iyon. "Need help" daw? Halata naman siguro sa sitwasyon ko ngayon. Tss. Bakit ba sa dinami dami ng tao dito sa cafeteria, eh, siya pa ang nag-alok nun sa akin? Nagsisimula na namang kumulo ang dugo ko dahil sa presensya ni Valentine.

"No, thanks." sagot ko na lang. Hindi ko siya tiningnan. Nanatili ang tingin ko sa kung saan kami banda nakaupo.

"Really, Helaina?" sambit niya.

Hindi ko talaga siya pinansin. Manigas ka diyan. Breathe in, breathe out Helaina. Alalahanin mong nasa school ka! Huwag kang gumawa ng eksena! Huwag mo na lang pansinin 'yang si Valentine.

Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa. Tinext ko si Gael para tulungan akong magdala sa tray ng mga pagkain namin. Naku, baka hindi niya tiningnan ang phone niya. Nagtatawanan na kasi silang tatlo doon.

"What the?!" bulong ko sa hangin.

Napasinghap ako dahil kinuha na lang bigla ni Valentine ang isang tray. Tinalikuran niya ako at tuloy-tuloy ang paglalakad niya patungo sa table namin. Nagulat pa sina Gael nang makita nilang nakatayo si Valentine doon.

Kahit kailan ka talaga, Valentine! Napakamot ako sa aking ulo at mabilis na kinuha ang isa pang tray at naglakad pabalik sa table namin. Nakita ko pa ang mga nagtatakang mukha nina Nes pag daan ko sa mesa nila. Napanguso na lang ako sa reaksyon nila.

"Thanks, Valentine!" sabi ko pagkatapos kong ilapag ang tray na dala ko. Hindi agad siya nakapagsalita. Nagulat siguro siya dahil nginitian ko siya.

Napakurap pa siya ng ilang beses bago nagsalita.

"Anytime, Helaina." ngumiti siya sa akin pabalik. "Sige, balik na muna ako dun."

Umupo ako sa tabi ni Gael nang makaalis si Valentine. Kinuha na nila Josh at Carlo iyong mga pagkain nila. Sinimulan na nila iyong kainin. Akmang kukunin ni Carlo iyong isang fried chicken pero mabilis na tinapik ni Gael ang ang kamay niya.

"Kay Helaina 'yan, bro!" aniya.

Ngumiwi lang si Carlo at itinuloy niya ang pagkain niya. Sumulyap ako sa gawi ni Gael. Mukhang nag-iba yata ang timpla ng mood niya ngayon, ah. Seryoso ang mukha niya habang inilalagay ang mga pagkain sa harap ko.

"May problema ba, babe?" tanong ko.

Napatingin sina Josh at Carlo sa aming dalawa. Parang hinihintay rin nila ang sagot ni Gael.

Bumuntong hininga si Gael at tumingin sa akin.

"Ano 'yon, babe?" seryosong seryoso ang mukha niya.

Kumunot naman ang noo ko. "Anong 'ano yun'?"

He bit his lower lip. "Ba't si Valentine ang nagdala nung mga pagkain?"

.

Napaubo sina Josh at Carlo sa tanong ni Gael. Natatawa pa nga silang dalawa. Matalim naman silang tiningnan ni Gael kaya bigla silang natahimik.

"Really, bro?" ani Carlo ng makabawi. Hindi siya pinansin ni Gael.

Napabuga ako ng hangin. "Seryoso ka ba diyan sa tanong mo, babe?"

Then he gave me this, do-I-look-like-I'm-joking look.

"Kita mo naman na nakalagay sa dalawang tray ang mga pagkain 'di ba?" sabi ko. "Mahihirapan akong dalhin ang mga 'to. Kaya no'ng inalok ako ni Valentine ng tulong ay tinanggap ko na." Kahit na hindi ko naman talaga tinanggap 'yon. Bigla na nga lang niyang kinuha ang tray tapos tinalikuran ako.

HelainaWhere stories live. Discover now