Kabanata 29

20 1 0
                                    

Author's note:

FB: Wen Labad

Twitter: wencares

IG: wen199x

I know I've been MIA. Pagpasensyahan niyo na. May nagbabasa pa ba nito? Please leave a comment if meron pa. Thank you! I hope that somehow, you will enjoy this update.

-----------------------------------------------------------------


"Helaina, let's race!" yaya sa akin ni Shane. Nasa dagat na silang tatlo nila Bub at Tamar.

Kumunot ang noo ko at inirapan siya. "Ayoko nga."

"Why are you being kj? Tss!" Mataray niyang tanong. Hindi ko na lang siya pinansin. Sa halip, sinimulan ko na lang na maglagay ng sunblock sa katawan ko.

Pagkatapos ko g maglagay ng sunblock ay kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung may notificiations ba ako. Nang makita kung wala ay itinabi ko iyon sa bote ng sunblock. Tumayo ako nagsimulang maglakad-lakad para maghanap ng sea shells.

Maya-maya lang ay biglang tumili si Shane kaya napatingin ako sa gawi nila. Nakita kong inaalalayan siya ni Valentine dahil paika-ika siyang maglakad.

What the hell happened?

Nagmadali ako sa paglalakad papunta sa kinaroroonan nila bitbit ang mga nakuha kong shells. Habang papalapit ako ay narinig ko ang ilang mura na nanggagaling sa bibig ni Shane.

"Shit naman! Ang sakit!" daing niya. Pinapalibutan siya ngayon nina Tamar at Bub na pawang naka-ngisi.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ko pagkalapit.

Napangiwi si Shane sa tanong ko.

"May nasagi akong sea urchin kanina. Ang sakit, Helaina!" ngiwi niya. Hawak-hawak ni Valentine ang paa niyang namamaga na.

Yumuko ako para tingnan iyon nang di sinasadyang mapatingin ako sa gawi ni Valentine. Nahuli ko siyang nakatingin sa dibdib ko! Aba, ang manyak talaga ng isang 'to!

Matalim ko siyang tiningnan kaya naagaw ko ang atensyon niya. Kumunot ang noo niya at inirapan ako. At may gana pa talaga siyang mang-irap?!

"Ihian mo lang 'yan, magiging okay din yan." sagot ko. Pasimple kong inayos ang bikini top ko dahil sa mga tingin na ibinibigay ni Valentine sa akin.

"Eew! Kadiri!" angal ni Shane.

I know, right? Dahil ganyan ang reaksyon ko noong nangyari iyan sa akin. Tumindig tuloy ang mga balahibo ko sa katawan dahil naalala ko iyong naramdaman ko ng mga oras na iyon.

"Yeah, I heard na iihian lang daw talaga yan para mawala yung naiwang something nung sea urchin." ani Bub.

"Huwag ka ngang maarte, Shane. Dali, ihian mo na yan para matapos na." singit naman ni Tamar.

"Sa loob na lang natin 'to gamutin." ani Valentine.

Inalalayan ni Tamar at Bub si Shane papasok ng bahay habang inaayos ko ulit ang suot kong bikini.

"Di ka papasok?" Biglang tanong ni Valentine.

"Mamaya na siguro. Alam naman nila Bub at Tamar ang gagawin dun sa sugat ni Shane," sagot ko.

Nanatili si Valentine sa kanyang kinatatayuan.  "Okay na ba yung sugat mo?"

Tumindig na naman ang balahibo ko sa batok. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Sa tuwing naaalala ko talaga ang pangyayaring 'yon, eh, nagsisitayuan ang mga buhok ko sa katawan.

Naglakad ako ng dahan-dahan palapit sa dalampasigan. "Oo, medyo okay na. Ginagamot ko naman, kaya medyo okay na."

"Mabuti naman," aniya.

I really find it awkward every time I talk to Valentine. I mean, ewan ko ba. Parang nahihiya ako na kinakabahan na ewan. Teka, ba't ang gulo ko?

Naramdaman ko ang pagsaunod ni Valentine sa akin. Walang hiyang 'to. Hindi ba siya na aawkwardan sa sitwasyon namin? Oh, wait. Ano nga bang sitwasyon niyo, Helaina?

Pasimple kong tiningnan ang aking cellphone.  Hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap na kahit anumang notification o mensahe.

"Gusto mo bang kuhanan kita ng picture?" alok ni Valentine sa akin.

Hindi na ako tumanggi dahil kanina ko pa talaga gustong magpapicture.

"Sige," ibinigay ko sa kanya ang cellphone. Marahan namang tinanggap ni Valentine ang cellphone ko.

Without any awkwardness, I began to pose.

Maya-maya lang ay biglang tumunog ang cellphone ko. Biglang napatigil si Valentine at mariing tinitigan ang screen nito. Lumapit ako sa kanya para kunin ito pero bigla naman niyang inabot ito sa akin. Tumalikod na siya at naglakad ng marahan patungo sa kung saan.

Kumunot ang noo ko sa inasal ni Valentine. Kaya't tiningnan ko ang cellphone ko. Marahan kong ini-swipe ang screen at tiningnan kung ano iyong notification na natanggap ko, ipinagkibit balikat ang inasal ni Valentine.

Kumunot ang noo nang makitang nakabukas na pala yung mensahe na natanggap ko. At biglang nanigas nang makita kung anong laman ng mensahe.

Isa itong litrato ni Gael, na boyfriend ko, na may kasamang isang babae. Actually, marami pala ito. Mabilisan ang pagswipe ko sa mga litrato. The girl's so familiar. Saan ko nga ba nakita ang babaeng 'to? In a club? In a beach? Where?!

"Helaina,"

Napatalon ako sa biglaang pagsasalita ni Dominic.

"O, b-bakit?" taranta kong sagot.

"Anong nangyari sa'yo? Ba't di ka pa pumasok?" kunot-noo niyang tanong. "Kakain na tayo."

Ibinaba ko ang cellphone ko. "Sige, tara."

Nauna akong naglakad kay Dominic. Hindi ko na siya hinintay kasi baka magtanong pa siya kung may problema ba.

Pagkapasok ko ng pintuan ay agad kong hinanap si Valentine ngunit hindi ko siya makita.


HelainaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon