Kabanata 17

229 6 0
                                    

He didn't even flinched when I shouted at him. He was just standing there and waiting for me to come out.

"Gusto kong mag-usap tayo." aniya.

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Wala tayong dapat na pag-usapan, Valentine."

Humakbang siya papasok dito sa loob. Kaya pinigilan ko siya agad. "Don't you dare! Sisigaw ako." banta ko sa kanya.

Shit! Nasaan ba ang mga tao dito? Ba't wala yatang pumapasok para mag-cr? Sa pagkakaalam ko hindi nauubusan ng tao itong CR, eh.

"Mag-usap tayo. Aantayin kita dito sa labas."

Isinarado niya ang pinto. Marahas akong napabuga ng hangin. Ano ba kasi ang pag-uusapan namin? Tsk! Napakamot ako sa aking ulo. Hindi yata maganda kung mag-uusap kami ngayon. I'm drunk at nasa paligid si Gael. Baka kung ano pang mangyari.

And knowing how persistent Valentine is, wala akong magagawa kundi ang pagbigyan siyang kausapin ako.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng CR.

"Okay, Helaina. Mag-uusap lang kayo." sabi ko sa aking sarili. Phew! Usap lang talaga. Iyon lang.

Pagkalabas ko ng CR ay bumungad sa akin ang mukha ni Valentine. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinatak ako paalis doon.

Bakit ba ang hilig-hilig manghatak ng lalaking 'to? Mas lalo tuloy umiikot ang paningin ko sa ginagawa niya. Ang higpit-hipit pa ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Valentine.." sambit ko. Alam kong hindi niya ako maririnig dahil sa lakas ng tugtog ng musika dito sa loob.

Kinabahan ako saglit kasi akala ko didiretso siya doon sa table namin. Pero kumaliwa siya at dumiretso palabas.

Tinangoan pa siya nung mga bouncer paglabas namin. Hindi man lang niya pinansin kaya ako na ang gumawa nun. Nginitian ko iyong mga bouncer.

Pumiksi ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Kasi naman, dinala na naman niya ako sa parking lot! Baka uulitin na naman niya iyong ginawa niya sa akin dati! Tapos pagbibintangan na naman niya ako na inaakit ko daw siya.

"V-valentine! A-akala ko ba m-mag-uusap tayo? Bakit mo ako dinala dito?" Tatadyakan talaga kita pag inulit mo yun!

Hindi man lang niya ako pinansin. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya, na katabi lang ng sasakyan ng boyfriend ko.

Great! Just great!

Binitiwan niya ang kamay ko at pinatunog niya ang sasakyan niya. May kinuha siyang isang jacket at inabot niya iyon sa akin.

"Anong gagawin ko dito?" tanong ko.

"Suotin mo." mariin niyang sinabi.

Humihikab ako habang isinusuot ko iyong jacket niya. Hindi na ako nakipagtalo kasi medyo nilalamig na din naman ako.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko pagkatapos kong suotin iyong jacket.

Hindi niya ako sinagot. Sa halip, seryoso lang ang mukha niyang nakatingin sa akin.

"Akala ko-"

"I missed you." bulong niya. "Big time, Helaina."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. You missed me? Then why the hell are you ignoring me?! Gusto ko siyang sigawan! Gusto ko siyang sampalin!

Itinikom ko ang bibig ko at matalim ko siyang tinignan.

"Talaga lang ha." mariin kong sinabi.

Humakbang siya palapit sa akin kaya napaatras ako. Shit! Baka mamanyakin na naman ako nito!

HelainaWhere stories live. Discover now