Kabanata 26

131 4 2
                                    

Nanatili kaming magkayakap ni Valentine hanggang sa natapos ang pag-ikot ng ferris wheel. Pinilit niya pa ako kanina na tingnan ang kagandahan nung view nung nasa itaas kami. Pero tumanggi ako. Natatakot kasi talaga ako, eh. Yung para bang feeling ko ay katapusan ko na. Na malapit na akong malagutan ng hininga.

"I'm really sorry, Helaina. Hindi ko talaga alam." Aniya.

"It's okay, Val." Sagot ko. Tipid ko siyang nginitian. "Di mo naman rin kasi alam. At ewan ko ba bakit nawala sa isipan ko na may takot pala ako sa heights." Tinitigan niya ako saglit.

"Baka makalimutan ko," may kinapa siya sa kanyang bulsa. Nakita kong may isang maliit na pouch siyang inilabas galing dito. "Regalo ko 'to sa'yo." Kinuha niya ang laman nun.

Napakurap ako ng maraming beses nang makita ko ang isang gold necklace na may key pendant.

"Hey, I think that's too much." Sabi ko. "Ang dami mo ng naibigay sa akin ngayon, Val."

Hindi niya ako pinansin. Tinanggal niya ang pagkaka-lock nung kwintas at umikot siya sa likod ko. Hinawi niya ang buhok ko at ikinabit ang kwintas. Habang ginagawa niya yun ay hinawakan ko ang pendant nito. Tiningnan ko rin ito at napasinghap ako ng makita ko ang pangalan ko na nakaukit dito.

"It looks good on you." Puri niya sa akin pagkabalik niya sa harap ko. Uminit na naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"Nambola ka pa. Pero thank you." Sabi ko. Kumindat siya sa akin at ngumisi.

Ilang sandali ang nakalipas ay binuksan niya ang frontseat ng sasakyan niya.

"Ihahatid na kita." Sabi niya.

"Pero ayaw ko pang umuwi." Nguso ko. "Can you take me somewhere else, please?"

"Di pwede. Baka magalit sa akin ang pinsan mo kapag pinagbigyan kita."

"Si Dominic? Ba't naman siya magagalit?" Kunot noo kong tanong. "Teka nga, textmates ba kayo? Close na kayo?" Sunod-sunod kong tanong.

"Pasok na. Ihahatid kita. Tapos." Hindi niya man lang sinagot ang mga tanong ko.

Umirap ako sa kanya at padabog na sumakay sa sasakyan niya. Panira 'to. Birthday ko naman, eh. Sana pinagbigyan na lang niya ako. Tsk! Magkatexmate ba talaga sila ng pinsan ko?

"Dahan-dahan naman. Baka masira mo 'tong sasakyan ko." Saway niya sa akin.

"Tss!" Irap ko sa kanya. Mabilis siyang umikot at umupo sa driver seat.

Tinatahak na namin ang daan pauwi. Napatingin ako sa labas habang inaalala ang mga nangyari sa akin sa araw na 'to.

Napasulyap ako sa 'driver' ko ngayon. Napangiti ako sa sarili ko habang iniisip ang mga ginawa niya para sa akin ngayon.

Thank you kasi nakita ako ni Valentine kanina sa sementeryo. Dahil kung hindi, siguro hanggang ngayon ay nandun pa rin ako, nagdadrama.

Tumigil ang sasakyan ni Valentine dahil sa red light. Kunot-noo siyang tumingin sa akin.

"You know what, you're creepy." Sabi niya.

"Why?" Tawa ko. Mas lalong kumunot ang noo niya.

"Kanina ka pa kasi nakangiting nakatingin sa akin." Sagot niya. "Pinagnanasaan mo ba ako?"

Napamulagat ako sa tanong niya. Pinagnanasahan talaga?! Ganun?!

"Oy, hindi ah!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Kapal niyo po. Pinagnanasaan? Agad-agad?! Grabe 'to!"

"Tss! Aminin mo na, Helaina. Di naman ako magagalit, eh." Mapresko niyang sabi. "Sanay na ako sa mga ganyan."

"Really, huh?" Halakhak ko. "I'm not lusting over you, Val."

HelainaWhere stories live. Discover now