Kabanata 18

181 7 1
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mga mata. Napapikit ako ng mariin dahil kasabay noon ang pagsakit ng ulo ko. Damn, hang-over na naman!

Tinadtad ako ng text ni Gael kagabi nang nakauwi na ako sa bahay. Hindi rin niya ako tinantanan sa kakatawag sa cellphone ko kaya in-off ko na lang. I want a break. I badly need it.

Taas-noo akong umalis sa Hybrid kagabi. Maybe Gael's friends think that I'm a stupid and senseless bitch, but I know I'm not. Dahil alam ko na. Alam ko na ang kagaguhan niya.

Ilang beses na isinigaw ni Gael ang pangalan ko pero hindi ko talaga siya nilingon. Hindi ko talaga siya pinansin. Hindi rin niya ako naabutan kasi sumakay agad ako sa isa sa mga taxi na nag-aabang sa labas. Laking pasalamat ko pa nga kasi may pera akong inipit sa phone case na ipinambayad ko sa taxi, dahil kung wala iyon ay hindi ko alam kung paano ako uuwi. Nagtaka pa nga si manong driver pagkasakay ko kasi nakita niyang may humahabol sa akin. Buong biyahe ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Di malaman kung anong iisipin o mararamdaman. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pag-iinit sa sulok ng aking mga mata.

Fuck! Masakit! Masakit na masakit! Simula kasi nung maging kami ni Gael ay nakadepende na ako sa kanya. Iyon bang lahat ibinigay ko. May kulang pa ba? Iyong virginity ko na hindi ko pa naibibigay sa kanya, iyon ba ang kulang? Tang-ina! Ang babaw naman kung iyon nga ang dahilan niya. Huwag niyang gawing rason iyon na para bang tumikim lang muna siya ng iba dahil hindi ko pa naibibigay iyong akin!

Pasado alas otso na ng umaga. Medyo kumakalam na ang tiyan ko pero in-una ko muna ang pagbukas ng laptop ko at ang pag-log in sa Facebook. Hindi siguro ito kinuha ni Simon kagabi kahit na sinabi ko sa kanyang pwede naman niya itong hiramin.

Napairap ako sa kawalan nang makita ang mga notifications sa account ko. May mga mensahe pa at iilang friend requests. Napangiwi ako sa itinag ni Gael na wall post.


Gael John Escala: Helaina, babe? Are you mad at me? Sorry for last night. Please reply to my messages. :(


Talaga lang ha? Akala niya ba talaga na wala pa akong alam sa ginagawa niya? Na bulag parin ako sa katotohanan sa panggagago niya? At naka-tag pa talaga ang pangalan ko sa post niya, ha.

Ni-remove tag ko yung sarili ko sa post niya. Hahayaan ko na muna siya. Naguguluhan pa kasi ako ngayon. Bahala na.

Tiningnan ko muna ang newsfeed ko. May madrama pang post si Charmaine tungkol sa mga lalaking manloloko na ginatungan naman ni Nes at Cyril sa comment.

Maya-maya lang ay may nagpop-up na pangalan sa chat. Si Valentine.

Valentine Fernandez: Hey! :D


Napanguso ako habang tumitipa para replyan siya.


Helaina Grandesa: Hey


Mapapansin kaya ni Valentine na wala ako sa mood?


Valentine Fernandez: How's sleep?


Hindi na ako nagreply sa kanya. Tiningnan ko ang friend request ko at napataas ang kilay ko sa taong gusto akong maging friend sa Facebook.

Michelle Kaye Custodio wants to be your friend.

What now? Ang lakas naman ng loob niyang i-add ako. Do you want an update about me, girl? Huh? Fine. I hit the confirm button and went straight to my profile to post something.

Helaina Grandesa: And when you say 'babe', I know I'm not the only one.


Pagkatapos kong ma-i-post iyon ay napatitig ako sa kawalan. Iniisip kung ano ang gagawin ko kay Gael. Sa relationship namin. Makikipaghiwalay na ba agad ako? Makikipag-cool off muna? What?

HelainaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon