Kabanata 1

345 13 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Tinakpan ko pa ng unan ang tainga ko para di ko masyadong marinig 'yong nag-aalburoto kong alarm clock.

"Shit!" napamura na lang ako. Useless, eh.

Bahagya akong umupo sa kama ko. Napahawak agad ako sa ulo ko nang maramdaman kong sumakit ito. Damn, hang over! Parang binibiyak ang ulo ko! Ba't pa kasi ako sumama sa Hybrid kagabi! Naparami pa ang inom ko. First day of school pa naman ngayon.

Para akong zombie na naglalakad papuntang banyo. Hawak-hawak ko pa din ang ulo ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Mukha nga talaga akong zombie, zombie na ni rape sa gilid ng daan. Nagkalat kasi ang eyeliner ko, pati na rin yung lipstick. Hindi na kasi ako nakapaghilamos pag dating ko. Hindi rin ako nakapagpalit ng damit. Buti na lang talaga tulog na silang lahat pag dating ko. Dahil kung nagkataong hindi, tatalakan na naman ako ni Mommy.

Agad kong hinubad ang halter dress ko. Binuksan ko ang gripo ng shower at binilisan ko ang pagligo. Baka kasi ma-late ako. Narinig ko ang ingay ng mga kapatid ko pag labas ko ng banyo. Hinanap ko ang cellphone ko para ma-i-charge ito.

Nakita kong may 2 missed calls at iilang mga mensahe doon. Hindi ko na muna binasa. Matatagalan na kasi ako sa pag-aayos.

Naglagay ako ng lotion sa braso at hita ko, bago ko isinuot ang undies at uniform ko. Isinunod ko na din ang sapatos ko. Nilagyan ko ng kaunting red lipstick ang mga labi ko para matakpan ang pamumutla nito.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba patungong dining area. Medyo may kalakihan itong bahay nila Mommy. May mga magaganda at nagmamahalang muwebles sa sala. May katamtamang laki ng chandelier at kumportableng sofa. May plasma tv din. May mga makukulay na throw pillows sa bawat gilid ng center table.

Nakita kong kumpleto na sila sa dining table. May kambal na anak si Mommy sa asawa niya, si Simon at si Sean na kumakain ng cereals ngayon. Six years old na sila at nag-aaral sa isa sa mga sikat na private school dito sa Davao. Si tito Samuel naman, ang asawa ni Mommy ay isang neuro surgeon sa Davao Doctors Hospital. Si Mommy naman ay may botique sa Abreeza. Hands-on siya sa kanyang negosyo kaya araw-araw siyang pumupunta doon.

"O, Helaina, mag-breakfast ka na." sabi ni tito Samuel nang makita ako.

Tumango ako at binigyan siya ng isang matipid na ngiti. Hanggang ngayon kasi naiilang pa rin ako sa kanya. Simula noong nawala na si lolo, dito na ako tumira sa kanila. Magdadalawang taon na ako dito, pero hanggang ngayon ay naiilang pa rin talaga ako sa kanya.

Umupo ako sa tabi ni Simon na abala sa paghihiwa ng hotdog na nasa plato niya. Hotdogs, fried eggs, tinapay at garlic rice ang nakita kong nakahain sa hapag. Kumuha ako ng dalawang hotdogs at isang fried egg. Sinamahan ko na rin iyon ng tatlong piraso ng tinapay.

"Sean, I told you not to play with your food." saway ni Mommy kay Sean. Pinaglalaruan niya kasi yung cereals niya.

"Sorry, Mom." ani Sean. Inubos niya na lang 'yong kaunting cereals na nasa bowl niya. Halatang napipilitan lang.

Tahimik lang akong kumakain. Sumulyap ako sa gawi ni Mommy. Nakita kong malapit ng maubos ang kinakain niya. Napasulyap din ako kay tito Samuel na nagbabasa ng newspaper habang umiinom ng tea sa mug na ka-partner nong kay Mommy.

"Anong oras ka nakauwi, Helaina?" tanong ni Mommy sa akin. Tumingin ako sa kanya. Hindi man lang siya nag-abalang tumingin pabalik sa akin.

Ibinalik ko ang tingin ko sa pagkaing nasa plato ko. Nagkibit balikat na lang ako. Hindi ko naman din kasi alam ang sagot sa tanong niya. Naramdaman ko agad ang mga matatalim niyang titig sa akin.

Nakita ko sa gilid ng aking mata ang marahang paghaplos ni Tito Samuel sa kamay ni Mommy. Di nakaligtas sa akin ang paghugot niya ng malalim na hinga. Na para bang pinipigilan niya ang sarili niya na pagalitan ako. Napairap na lang ako sa kawalan.

HelainaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora