Kabanata 11

218 5 0
                                    

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Ewan ko nga kung bakit. Kung tutuusin, hindi naman siya ang kauna-unahang nagsabi sa akin na maganda ako. Pero bakit ganoon? Parang..

"Manong Ed, kaibigan ko nga pala. Si Helaina." ani Valentine sa tindero ng fish ball. Pagkatapos noon ay sumulyap siya sa akin.

"Magandang araw po!" Bati ko kay Manong Ed.

Ngumiti sa akin si Manong Ed. "Magandang araw din, iha." Lumingon naman siya kay Valentine na nakatingin sa isang tray na may lamang bagong luto ng fish balls. "Mukhang ito ang unang beses na nagdala ka ng kaibigang babae dito Valentine, ah?"

Napakamot sa ulo si Valentine sa sinabi ni Manong Ed. Napansin kong namumula ang pisngi niya habang nag-iiwas ng tingin sa akin. Nahihiya ba siya? Bakit naman? Ay ewan. Napailing na lang ako.

"Kumain ka na." Ngisi sa akin ni Valentine nang makabawi sa pamumula. Binigyan niya ako ng isang stick na may sampung piraso ng fish balls.

Tinanggap ko iyon at tinitigan bago kinain. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang mga titig na ibinibigay ni Valentine sa akin kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Bakit? May problema?"

Umiling siya nang naka-ngisi. "Taray mo talaga."

Inirapan ko naman siya sa kanyang sinabi.

"Kain ka lang. Huwag kang mahiya." Dagdag pa niya.

Inilagay ko sa supot na kulay puti na nakasabit sa gilid ng cart ni Manong Ed ang stick na ginamit ko. Nakakunot ang noo ni Valentine habang nakatingin sa akin.

"O, iyon lang ba ang kakainin mo? Busog ka na agad?" Sunod sunod na tanong niya. Napatingin na din si Manong Ed sa akin.

"Hindi ka ba nasarapan sa fish ball ko, iha?" Tanong ni Manong Ed.

"Naku, hindi naman po sa ganoon Manong Ed." iling ko. "May dinner po kasi kami sa bahay ng boyfriend ko."

"Ganoon ba," ani Manong Ed.

Tumango ako at ngumiti sa kay Manong Ed. Pagkatapos nun ay tiningnan ko si Valentine. Inirapan niya ako nang magtama ang mga mata namin. Kinain niya iyong natitirang piraso ng fish ball na nasa stick na hawak niya.

"Magkano po lahat, Manong Ed?" Tanong ni Valentine habang kinakapa ang bulsa ng slacks niya.

"Trenta pesos lang, Val." Sagot ni Manong Ed habang inilalagay sa salaan iyong mga bagong luto ng fish balls.

Kumuha si Valentine ng perang pambayad sa wallet niya. Inabot niya agad ito kay Manong Ed. Ngumiti si Manong Ed sa kanya at nagpasalamat.

"Hintayin mo ako dito saglit. Bibili lang ako ng panulak doon." Turo niya sa kabilang cart na may nagtitinda ng samalamig.

Tumango ako at agad siyang tumalikod. Napakamot ako sa aking ulo habang tinitingnan siyang naglalakad patungo roon. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito sa aking bulsa at nakita kong may dalawang mensahe ang nandoon. Isa kay Gael at isa kay Charmaine.

Gael:

Dumiretso ka sa bahay ninyo, okay? Ingat. I love you.

Charmaine:

Nakauwi ka na? May sasabihin ako sa'yo.

Tumipa ako para replyan ang text ni Gael.

Ako:

Okay, babe. I will. Ingat ka din. I love you.

Tumipa rin ako para replyan si Charmaine.

Ako:

HelainaWhere stories live. Discover now