Kabanata 24

130 4 2
                                    

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin kay Valentine. Tsk! Ba't ba ganyan ang reaksyon mo Helaina?

Simpleng t-shirt at dark maong pants lang naman ang suot niya, ah. Oo nga. Simple lang ang suot niya pero parang magpho-photoshoot talaga ang dating niya.

"Tara na?" Ani Valentine. Tumayo ako at naunang naglakad palabas ng bahay nila ng hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na sinusulyapan niya ako pagkapasok namin sa sasakyan niya. Grabe, ang bango-bango ni Valentine ngayon. Tinalo pa niya ang air freshener ng sasakyan niya. Anong brand kaya ng pabango niya?

I mentally slapped my face. May boyfriend ka. May boyfriend ka Helaina. Hindi mo dapat pinagnanasaan ang ibang lalaki. Wait, hindi ko naman siya pinagnanasaan, ah?

Habang nakikipagtalo ako sa isip ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong kinapa sa bag ko. Tumatawag ngayon si attorney Custodio.

"Hello, attorney.." sabi ko.

"Hello, Helaina. Change of meeting place daw tayo kasi crowded ngayon sa Mama Maria's. Do you know where's the Green Coffee, right? Near the SSS."

"Uhh, yes. We're on our way now." Sagot ko.

"Okay, good. Take care." Tinapos ko na agad ang tawag. Bahagya akong tumingin kay Valentine.

''Liko tayo, Val. Sa Green Coffee na lang daw ang meeting place."

Lumingon din sa akin si Valentine. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa sinabi ko. What?

"Anong sabi mo?" Namamanghang tanong niya. Kumunot ang noo ko.

"Sabi ko sa Green Coffee na tayo. Dun malapit sa SSS."

"No, yung isa pa." Natatawang sabi niya. Napangiwi naman ako.

"Wala naman akong ibang sinabi, ah?" Irap ko sa kanya. Pinagtitripan na naman siguro ako ng walang hiyang 'to.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo. Yung unang sinabi mo." Ngisi niya. Naman kasi, bakit pa kailangang ulitin? Narinig niya naman iyong sinabi ko.

Nag-iwas ako ng tingin. "Sabi ko, liko tayo Val."

Wala na akong narinig sa kanya pagkasabi ko nun. Nagtaka naman daw ako kaya nilingon ko siya. Nagpipigil ng ngiti ang mokong! Ano ba kasing meron dun sa sinabi ko?

Hindi ako mapakali habang papalapit na kami sa Green Coffee. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Excited na kinakabahan na ewan.. galit? Di ko alam.

Napakagat-labi ako ng nasa labas na kami ng Green Coffee. Na i-park na ni Valentine ang kanyang sasakyan.

"Hey," tawag sa akin ni Valentine. Lumingon ako sa kanya. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya. Mabilis naman akong tumango at agad na nag-iwas ng tingin.

"Yep. Tara na." Sabi ko habang tinatanggal ang seatbelt. Tumikhim siya at pinatay ang makina ng sasakyan niya.

Bumungad ang bango ng mamahaling mga kape nang makapasok kami ni Valentine. Agad kong pinasadahan ng tingin ang buong lugar para hanapin si atty. Vasquez. Agad ko rin naman siyang nakita dahil nakaharap siya sa gawi namin. Kumunot ang noo ko nang makitang siya lang ang nasa mesang iyon.

"Gusto mo bang samahan pa kita dun? O dito na lang kita aantayin?" Turo niya sa isang bakanteng table.

Tumingala ako sa kanya. "Sige, antayin mo na lang ako dito. Mabilis lang naman 'to." Sagot ko. Kahit na ang totoo ay hindi ko alam kung magiging mabilis nga lang ba ang pag-uusap namin.

HelainaWhere stories live. Discover now